INAANYAYAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang publiko na ipagdiwang ang National Women’s Month sa pamamagitan ng pagtangkilik programa ng lungsod na “EntrePinays #WOMEaNBUSINESS” sa Kartilya ng Katipunan, kung saan tampok ang iba’t-ibang mga produkto ng mga kababaihang entrepreneurs sa Maynila.
Ayon sa alkalde, ang nasabing aktibidad ay gaganapin simula March 11 hanggang 15, 2024, mula 11 a.m. hanggang 10 p.m. at ito ay nasa ilalim ng programa para sa kababaihan na sinimulan ng Bureau of Permits sa pamumuno ni Levi Facundo.
Layon umano ng nasabing programa na kilalanin at suportahan ang lokal na negosyo na pag-aari ng mga Pilipinang entrepreneurs na nakabase sa Maynila.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga kababaihang residente ng Maynila ay nabibigyan umano ng pagkakataon na itampok ang kanilang produkto mula sa iba’t-ibang ibang uri ng pagkain hanggang sa mga dry goods.
Bahagi rin umano ito ng programa ng pamahalaang-lungsod na ‘Manila Support Local’ kung saan layunin na mai-promote ang mga locally-made products at makatulong sa small and medium businesses na umunlad.
“Mula sa kauna-unahang babaeng alkalde ng Lungsod ng Maynila, ako ay taos-pusong tumitingala sa inyong pagsisikap,” pahayag ng alkalde, bilang pagsuporta sa mga kababaihang mamumuhunan sa Maynila..
Inihayag naman ni Facundo na bilang suporta sa women entrepreneurs, ang lungsod, sa atas na rin ng alkalde, ay mag-i-extend sa iba pang business owners sa pamamagitan ng discounts.
“We will also post and advertise their products through our Social Media pages EntrePinays, #WOMEaNBUSINESS and Manila Support on FB and IG,”dagdag pa ni Facundo.














