Nag-uusap sina Mayor Honey Lacuna at kanyang spokesperson na si Atty. Princess Abante ukol sa suspensyon ng klase, habang nasa larawan din si Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

SUSPENSION NG KLASE SA PUBLIC SCHOOLS, INIUTOS NI MAYOR HONEY PARA SA TEACHERS’ DAY

By: Jerry S. Tan

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National at World Teachers’ Day, iniutos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang suspensyo ng klase sa lahat ng public daycare centers, elementary at high school levels sa lungsod, gayundin sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM) ngayong Biyernes, Oktubre 4,

Ayon sa kanyang tagapagsalitang si Atty. Princess Abante, nilagdaan ni Lacuna ang Executive Order No. 33 nitong Huwebes, Oktubre 3, upang bigyang pagkilala ang pagsusumikap ng public school teachers sa lungsod at pagkalooban sila ng wellness day.


Hiniling na lamang ng alkalde sa mga guro na magbigay ng activity sheets o modules para sa intended lesson sa nasabing araw.

Hindi sakop ng kautusan ang mga pribadong paaralan, ngunit hinikayat ang mga ito na bigyan rin ng kahalintulad na parangal ang kanilang mga guro.

“The mayor also encouraged private schools, colleges, and universities, as well as state colleges and universities in Manila to give the same honor to their faculty,” ani Abante.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like