Latest News

Mayor Honey Lacuna reported that the health centers in Manila are currently being built towards becoming 'super health' centers. (JERRY S. TAN)

‘Super Health Centers’ ginagawa na — Mayor Honey

INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna na tuloy-tuloy na ang pagsasagawa ng ‘upgrading’ ng mga health centers sa lungsod upang maging ‘super health centers’ ang mga ito at mas mabuting mapagsilbihan ang mga taga-lungsod.

Tiniyak  ni Lacuna na ang Manila Health Department (MHD), sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan ay kinu-convert na ang lahat ng health centers mula sa pagiging ordinaryo hanggang sa pagiging super health centers upang mapalawak at mapaunlad pa ang serbisyong pangkalusugan sa mga Manileño.

Inanunsyo din ng alkalde na base sa ulat ni Dr. Pangan, karamihan ng 44 na health centers ay may lisensya na para mag-operate. Idinagdag pa nito na ang mga health centers bukod pa sa lying-in na nagpapaanak ng libre free ay nagsisilbi sa lahat ng mga kawani ng gobyerno sa lungsod.


Napag-alaman na sa naturang bilang, 39 sa mga ito ay may mga lisensya na. Habang ang natitirang lima ay wala pang lisensya dahil sa under construction pa ito.
Ang mga super health centers na under construction, ayon kay Lacuna, ay iyong mga nasa vertical housing units ng lungsod na itinatayo din ng  local government.

“Pag me license to operate, ibig sabihin ay Philhealth-accredited na ang health centers meaning, pag nagpa-register ng Philhealth ay mas maraming benepisyong matatanggap at mas marami din itong maitutulong sa pamahalaang-lungsod ng Maynila,” paliwanag ng alkalde.

Ang mga free medical services na ibinibigay ng  improved health centers ay   dental services tulad ng cleaning, fluoride application, restoration o ‘pasta’ at tooth extraction o bunot.

Mayroon ding libreng  laboratory tests na binibigay na sakop ang   CBC, FBS,  BUN, CREA, SGOT/SGPT OGTT, cholesterol, triglycerides, uric acid, urinalysis, and fecalysis.


Sinabi ni Lacuna, bilang polisiya, ang mga requests para sa lab tests pagkatapos ng checkups sa private hospitals o clinics ay hindi pinapayagan sa health centers.

“Paalala lang. Itong mga lab test na ito ay ginagawa po natin sa mga pasyente natin sa health center. Hindi kami natanggap ng request na galing sa private hospital. Kung kayo po ay nagpa-checkup sa ating health center at may pinagawang laboratory ang doktor sa inyo,  maari n’yo nang ipagawa dun pero pag kayo ay nagpa-checkup sa private hospital o clinic at dun ninyo ipagagawa ang lab test sa ating health center, hindi po ‘yun allowed. Pasyente lang ng health center ang puwede,” ani Lacuna. (JERRY S. TAN)

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read