Latest News

Inaanyayahan ni Mayor Honey Lacuna ang mga mag-aaral at out-of-school youths na kailangan ng summer jobs na mag-apply sa tanggapan ni PESO head Fernan Bermejo. (JERRY S. TAN)

SUMMER JOBS SA MAG-AARAL AT OUT-OF-SCHOOL YOUTHS, INANUNSIYO NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INAANYAYAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang mga estudyante at out-of-school youths (OSYs) na naghahanap ng ‘summer jobs’ na subukan ang kanilang swerte sa pamamagitan ng paga-apply sa Special Program for Employment of Students (SPES) na pinapangasiwaan ng Manila-Public Employment Service Office (PESO).

Ayon kay Lacuna, may kabuuang 153 job opportunities na iniaalok ang pamahalaang-lokal sa ilalim ng SPES at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR), Mcdonald’s Philippines at ng Manila-PESO na pinamumunuan ni Fernan Bermejo.

Sinabi ni Bermejo na ang mga interesado ay dapat munang mag- register muna sa https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeHH6Ctd1Sd0_EN2UTt7yuPEFw5nkMRrDS9np0ulGB5ukmuGA/viewform at matapos niyan ay maghintay ng tawag mula sa online facilitator para kumpirmahin ang kanilang application.


Ayon kay Bermejo, pagkatapos nito ay dapat ihanda ng aplikante ang sumusunod na documentary requirements: photocopy of Birth Certificate or any document indicating date of birth or age (must be 15-29 years old) at photocopy ng latest Income Tax Return (ITR) of parents/legal guardian o certification na mula sa BIR na ang parents/guardians ay exempted sa pagbabayad ng tax o original Certificate of Indigence o original Certificate of Low Income na inisyu ng Barangay/DSWD o CSWD kung saan nakatira ang applicant.

Bilang karagdagang requirements para sa student-applicants, kailangan nilang magdala rin ng mga sumusunod: photocopy of proof of average passing grade such as Class card or Form 138 of the previous semester or year immediately preceding the application or the original copy of Certification by the School Registrar as to passing grade immediately preceding semester/year, kung di pa available ang grades.

Para naman sa out-of-school youths, kailangan din nilang magdala ng original copy of Certification as OSY na inisyu ng SWD/CSWD o ng authorized Barangay Official kung saan nakatira ang OSY.

Tanging ang mga kumpleto lang ang requirements ang ipa- process, ani Bermejo.


Aniya, ang SPES ay programa na sinimulan ng DOLE ” which aims to provide employment opportunities to students who want to earn money during their summer vacation.” Ang pagbibigay ng summer jobs sa mahihirap pero karapat-dapat na mag-aaral ay alinsunod sa Republic Act No. 109171 and Republic Act No. 7323.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read