Nag-preside si Mayor Honey Lacuna sa kanyang regular directional meeting. Nasa foreground sina (mula kaliwa) City Administrator Bernie Ang, chief of staff Joshue Santiago at secretary to the mayor Marlon Lacson. (JERRY S. TAN)

STATE OF THE CITY ADDRESS NI MAYOR HONEY, GAGANAPIN SA HULYO 11

By: Jerry S. Tan

Nakatakdang isagawa ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kanyang state of the city address (SOCA) sa Hulyo 11, 2023, Martes.

Sa kanyang directional meeting nitong Lunes, hiniling ni Lacuna sa lahat ng department heads na magsumite ng kanilang  accomplishment na magiging bahagi ng kanyang basehan sa kanyang  SOCA.


Samantala, hinikayat din ng alkalde ang lahat ng mga pinuno ng tanggapan, departmento at kawanihan na kumbinsihin ang kanilang mga kawani na samantalahin ang free medical checkup na ibinibigay ng  city government employes’ clinic (CGEC).

Ayon kay Lacuna, kapuna-puna na may isang buwan na nang inalok ang free checkup pero hindi lahat ng mga empleyado ay nag-avail nito.

Umaasa naman si Lacuna na ang mga pinuno ng lahat ng mga tanggapan ay magdo-dole kayod para hikayatin ang kanilang sariling staff na magpa-check up hanggang sa huling araw nito sa Hulyo 15.


Bilang isang doktor,  binigyang diin ni Lacuna ang kahalagahan na sa maagang panahon ay matugunan na kung anong karamdaman mayroon ang isang empleyado. At ito ay malalaman lamang sa pamamagitan ng  medical checkup.

Sinabi pa ng lady mayor na nakalulungkot din kung minsan kapag may isang kawani o opisyal ang namatay dahil sa sakit na maari namang maiwasan kapag nalaman ng maaga.


Ayon kay  Lacuna, totoo ang kasabihang  ‘health is wealth’ dahil kapag ang mga  city workers ay malulusog, maasahan mo na magiging mahusay sila sa kanilang trabaho at mga residente ang makikinabang at  ang lungsod sa pangkalahatan.

 


 

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read