Latest News

Tuwang-tuwang hinalikan ng isang senior citizen ang kamay ni Mayor Honey Lacuna sa pagsisimula ng pamamahagi ng regalo para sa senior citizens. (JERRY S. TAN)

Special gift boxes para sa seniors sa Maynila, ipinamahagi na

By: Jerry S. Tan

Personal na pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pamamahagi ng special gift boxes para sa mga senior citizens sa lungsod nitong Miyerkules, Disyembre 13.

Ito’y matapos na pormal nang magtapos ang distribusyon ng Christmas food boxes para sa may 695,000 pamilya sa lungsod ng Maynila nitong Disyembre 12.


Ayon kay Lacuna, target nilang maipamahagi sa lahat ng senior citizen ang kanilang Christmas gifts hanggang sa Disyembre 15, 2023.

Mayroong 180,000 senior citizens ang lungsod ng Maynila.

Samantala, nabatid mula sa tanggapan ng Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) sa pamumuno ni chief Elinor Jacinto, na ang payout para sa senior citizen benefits ay nagsimula na rin noong Lunes sa Districts 1 at 2.


Sinabi ng alkalde na ang city-wide distribution ng Christmas gifts at completion ng allowance payouts ay bahagi ng city’s “May Kalinga, May Ginhawa, May Saya” Christmas celebration sa Maynila.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like