Napagitnaan sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo nina Congressman Rolan Valeriano at (kaliwa ni Servo) comebacking first district Congressman Manny Lopez, PhilPost chief Luis Carlos at Congressman Edward Maceda.Kasama din sa larawan sina (mula kalilwa) candidate for Councilor, Atty. Eugene Santiago, Councilors Fa Fugoso at Roma Robles habang nasa likuran nila sina (mula kaliwa) cidate for Councilors Jeff Lau, Peter Ong at Marcelino Pedrozo at sina Councilors Charry Ortega at Ruben 'Dr. J' Buenaventura. (JERRY S. TAN)

SIMULA NG PASKO SA MAYNILA, SINIMULAN NINA MAYOR HONEY AT VM YUL SA PAG-IILAW NG HIGANTENG CHRISTMAS TREE

By: Jerry S. Tan

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang selebrasyon ng Pasko sa Maynila sa pamamagitan ng pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree sa Kartilya ng Katipunan noong Biyernes ng gabi, kung saan inanunsiyo din ng alkalde ang pag-uumpisa sa Disyembre 1 ng ’12 days of Christmas’ o pamamahagi ng Christmas food boxes sa may 700,000 pamilya sa lungsod upang tiyakin na bawat pamilya ay mayroong pagsasaluhan sa araw ng Pasko.

Tinawag na, ‘Sama Sayang Pasko sa Maynila 2024,’ ang pagtitipon sa Kartilya ay ginawa kasabay ng pagpapailaw ng Christmas decorations sa Pasig River Esplanade, Rizal Park, Intramuros, Bangko Sentral ng Pilipinas, National Museum at Metropolitan Theater.

Dumalo din sa nasabing okasyon ang mga local at national officials sa pamumuno nina City Administrator Bernie Ang, Congressman Rolan Valeriano, comebacking Congressman Manny Lopez, department heads at Manila City Councilors.


Bago simulan ang tree-lighting ceremony ay sinamahan nina Lacuna at Servo si Philippine Postal Corporation Postmaster General Luis Carlos sa paglulunsad ng PhilPos ng 2024 Christmas stamps, kung saan itinatampok ang tradisyunal na ‘Simbang Gabi sa Ilog Pasig.’

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lacuna na ang pamahalaang- lungsod ay nakikiisa sa lahat ng Manileño sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“Tayo po ang isa sa mga may pinakamahabang selebrasyon ng Kapaskuhan dahil ‘ber’ months pa lamang, ang lahat ay excited na sa paghahanda para sa Pasko. Anuman ang kalagayan sa buhay o sitwasyong kinakaharap, pinagsisikapan nating ipagdiwang nang masaya ang Kapaskuhan,” pahayag ni Lacuna.

“Palagi nating sinasabi na dito sa Maynila, may pagkakapantay-pantay, anuman ang estado sa buhay, anuman ang kasarian, edad, paniniwala o sektor na kinabibilangan. Lahat kasama, dahil lahat ay mahalaga. Ipagdiwang natin ang Paskong may kalinga, may ginhawa at may saya,” dagdag pa nito.


Sinundan ang tree lighting ceremony ng makukulay na fireworks display sa tuktok ng iconic Manila City Hall clock tower.

Samantala, inanyayahan din ng alkalde ang publiko na makiisa sa “SamaMasayang Pasko sa Maynila Food and Goods Bazaar” na nagtatampok sa mga stalls na nagtitinda ng iba’t-ibang klase ng pagkain at mga panregalo.

Walang bayad ang pagpasok sa nasabing lugar at ang nasabing bazaar ay bukas sa publiko hanggang January 4, 2025.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read