Senior na babae, patay sa ‘second round’ ng pakikipagtalik

Patay ang isang 60-anyos na babae nang atakehin diumano sa “second round” ng pakikipagtalik sa kanyang boyfriend sa loob ng isang hotel, kahapon ng madaling araw sa Tondo,Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang taga-Magsaysay Street sa Tondo.


Ayon sa imbestigasyon ni PSSg John Paul Rojo ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas- 3 ng madaling araw sa “second round” ng pagtatalik nila ng kanyang kasintahang si “Dennis”, 53, ng Mapayapa Village,Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, nagcheck-in ang dalawa alas-8 ng gabi noong Nobyembre 7 sa Meaco Royal Hotel na matatagpuan sa Rivera Street saTondo.

Gayunman, habang nagtatalik ay biglang hinabol ng biktima ang kanyang hininga dahilan para humingi ng tulong si Dennis sa hotel staff, na siyang tumulong na dalhin ang babae sa pagamutan.


Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na wala namang nakitang foulplay sa pagkamatay ng biktima at nakuha sa bag nito ang iba’t- ibang uri ng gamot, dalawang cellphone at pustiso. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read