Inatasan ni Manila Mayor Honey Lacuna si OSCA chief Elinor Jacinto na magsagawa ng mga pagpupulong sa mga barangay bilang paghahanda sa pamamahagi ng huling tranche ng senior citizens' allowance para sa taong 2024.(JERRY S. TAN)

SENIOR ALLOWANCE NG SETYEMBRE HANGGANG DISYEMBRE, PINAHAHANDA NA NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INANUNSIYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang pamahalaang- lungsod ay nasa proseso na ng pagsasagawa ng consultative meetings bilang paghahanda sa huling bahagi ng cash allowance ng mga senior citizens.

Napag-alamang inatasan ni Lacuna si Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) head Elinor Jacinto na magsagawa ng pulong kasama ang mga Punong Barangay at opisyal ng 896 barangays sa lungsod.


Ayon sa alkalde, ang layunin ng nasabing pulong sa mga barangay ay upang ihanda ang payrolls para sa senior citizens’ allowance.

Sinabi ni Lacuna na ang payrolls ay sumasakop sa buwan ng September hanggang December 2024.

Bawat isang senior citizen na nasa 203,000 ang kabuuang bilang ay tatanggap ng P2,000 bawat isa na kumakatawan sa P500 na buwanang allowance mula sa lungsod para sa huling apat na buwan ng kasalukuyang taon.


“Kami po ay lubos na nag papasalamat sa mga Punong Barangay, Barangay Secretary o kung sino man pong awtorisadong nag-aayos o gumagawa ng updated senior masterlist ng inyong mga barangay, sapagkat lubhang napakahalaga po ng nasabing aktibidad na ito,” saad ni Lacuna.

Matatandaan na ang probisyon para sa nasabing monthly cash allowance para sa senior citizens ay bahagi ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan na nalikha ng isang ordinansa na ipinasa ng Manila City Council noong panahon ni Lacuna nang siya pa ang Presiding Officer, isang posisyon na kanyang hinawakan bilang Vice Mayor of Manila.


Sa pamamagitan ng SAP, nabibigyan din ng buwanang cash allowance ang mga solo parents, persons and minors with disability at mag-aaral ng dalawang city-run universities na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ng Universidad de Manila (UdM).


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna, OSCA chief Elinor Jacinto

You May Also Like