Latest News

Si Mayor Honey Lacuna kasama sina parks and recreation bureau chief Roland Marino na nangangasiwa sa Manila Zoo at (kanan) si zoo veterinarian Dr. Chip Domingo. (JERRY S. TAN)

SENATOR TOLENTINO, MISTULANG SINOPLA NI MAYOR HONEY SA ISYU NG MANILA ZOO

By: Jerry S. Tan

Mistulang sinopla ni Mayor Honey Lacuna ang pagmungkahi ni Senator Francis Tolentio na ilipat na ang Manila Zoo sa ibang lungsod.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, mananatili ang Manila Zoo sa lugar kung saan ito naroon at ‘yan ay sa lungsod ng Maynila.

“Manila Zoo stays where it is, roadmap in the works” ani Mayor Honey Lacuna bilang reaksyon sa mungkahi ni Tolentino na ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve, Batas, Rizal.


“I thank and appreciate Senator Francis Tolentino for his concern for the Manila Zoo.But we want Manila Zoo’s future to be a well-planned, realistic roadmap based on sound science and zoo management and with due sensitivity to the cherished place of the Manila Zoo in the hearts of Manileños and the childhood memories of many Filipinos, anang alkalde.

Iginiit pa ni Lacuna na bahagi na ng kasaysayan ng Maynila ang Manila Zoo.


Aniya, wala sa hinagap ng kanilang pag-iisip at hindi kailanman naging ‘option’ na ilagay ang Manila Zoo sa ibang lugar, higit lalo na sa Masungi.

Sa katunayan aniya, ay hinihintay na. lamang nilang maipasa ang New Government Procurement Act at ang pag-apuoba sa implementing rules and regulations nito dahil ito amg magiging batayan ng plano sa Manila Zoo.


Nais umano ni Lacuna na manatiling accesible sa mga Manilenyo ang Manila Zoo at anumang hakbangin na nauukol dito ay dapat na may kaakibat na sapat na pag-aaral.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read