Latest News

Sina (nakaputi) Mayor Honey Lacuna at (sa kaliwa niya) Manila Fire Protection bureau chief SSupt. Christine Cula na sabay tinanggap ang fire truck na donasyon ni DILG Sec. Benhur Abalos, Jr. sa pamamagitan ng inisyatibo ni Rep. Joel Chua (3rd district). (JERRY S. TAN)

Sec. Abalos, Rep. Chua, pinasalamatan ni Mayor Honey sa donasyong high-tech fire truck

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Mayor Honey Lacuna kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. at Rep. Joel Chua sa ipinagkaloob na bago,moderno at high-tech na firetruck. sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Lacuna, sa inisyatibo ni Congressman Joel Chua (3rd district) na siyang gumawa ng hakbang ay nangyari ang nasabing donasyon na ibibigay naman sa San Nicolas Fire Station na nasa third district ng Maynila.

“Ito po ay sa pakikipag-ugnayan ng atin pong napakasipag na Congressman Joel Chua na nakipag-usap po kay DILG Usec Juan Victor Llamas and of course kay Sec Benhur, maraming salamat po, napakalaking tulong … we love you Sec. Benhur Abalos!!,” ani Lacuna.


Kasama ni Lacuna sa pagtanggap ng nasabing firetruck si Bureau of Fire Protection-Manila head SSupt. Christine Cula, na ang naturang fire truck ay malaking tulong sa lungsod na nasa ilalim din ng kanyang hurisdiksyon.

Hinikayat din ng alkalde ang iba pang Congressmen sa lungsod na subukan ding gawin ang inisyatibo ni Rep. Chua para sa kapakinabangan ng kani-kanilang distrito.


Sinabi ni Lacuna na ang donasyong 1,000 gallon tank firetruck mula DILG ay mayroon ding kalakip na mga firefighting equipment at gear para magamit ng mga bumbero.

Ayon sa alkalde, si Chua ang gumawa ng representasyon sa DILG na nagbunga ng donasyong firetruck


Samantala, inanunsyo ni Lacuna na ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ng hepe nitong si Arnel Angeles ay makikilahok sa exhibit na tinawag na, “HANDA Pilipinas: Innovations for Disaster Risk Reduction and Management 2023 (Luzon Leg) na may temang ”Risk Reduction in Mega Cities”.

Ang nasabing exhibit ay proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) na ginaganap sa World Trade Center in Pasay City mula July 27 hanggang 29, 2003.

Ang MDRRMO, ayon sa alkalde, ay kabilang sa mga naanyayahan na ipakita ang kanilang kahandaan at response skills gayundin ang mga kagamitan nila para sa emergency at kalamidad.

Ayon kay Angeles: ”The Manila Project features weather cameras, apparatus for responding to fire and calamities and advance medical equipment such as ZOLL Semi-Automatic External Defibrillator, Resuscitation System and LUF 60, Water Filtration.”

“Ang partisipasyon ng MDRRMO sa nasabing exhibit ay bahagi rin ng pakikiisa ng lungsod sa paggunita sa National Disaster Resilience Month themed, ”BIDANG Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-being towards Disaster Resilience,’ dagdag pa nito.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read