Pinag-uusapan nina Mayor Honey Lacuna at tourism chief Charlie Dungo ang pagsisimula ng 'search for Miss Manila 2024'. (JERRY S. TAN)

‘SEARCH FOR MISS MANILA 2024’, SINIMULAN NA

By: Jerry S. Tan

SINIMULAN na ng pamahalaang-lokal ng Maynila ang ‘Search for Miss Manila 2024’.

Kaugnay niyan ay inaanyayahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga kuwalipikadaong kababaihan na lumahok sa naturang patimpalak. Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Mayo 3, 2024.

Sinabi ni Lacuna na ang nasabing contest ay bukas sa lahat ng dalaga, may edad na 18 hanggang 30 anyos, lehitimong residente ng Maynila at kumakatawan sa ‘values of empowerment’ at ‘leadership.’


Sa paga-apply, kinakailangang sagutin ng aplikante ang katanungang, ‘What Makes A Woman Of Worth Ultimately Beautiful?’ at i-upload ang video nito sa TikTok, gamit ang hashtags na #MissManilaUltimatelyBeautiful at #MissManila2024.

Matapos nito ay maaari nang magrehistro at mag-fill out ng application form na makikita sa http://missmanila.ph.


Ayon kay Lacuna, sa sandaling makapagsumite ng aplikasyon, ang aplikante ay kinakailangang maghintay ng tawag mula sa kinatawan ng pamahalaang-lungsod at ito ang magsasabi kung siya ay natanggap o kuwalipikadong lumahok sa ikalawang bahagi ng qualification process.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read