PINANGUNAHAN nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang pagpapasinaya sa isang six-storey school building sa Tondo, Maynila na may 44 na bago at air-conditioned classrooms. Ito na ang pang-anim na bagong paaralang naipagawa sa ilalim ng administrasyon ni Lacuna mula nang mahalal ito bilang alkalde noong 2022 nang hindi kailangang mangutang ng pamahalaang-lungsod.
Aniya, ang bagong paaralan ay magsisilbing tahanan ng may 3,225 mga mag-aaral at 115 faculty members at non-teaching personnel ng Emilio Jacinto Elementary School.
“Dahil may aircon ang classrooms, safe mula sa matinding init ang ng paaralan ang ating mga estudyante at faculty .Bukod sa mga classrooms, may mga bukod na specialized rooms pa para sa pag-aaral ng Information & Communications Technology, Science, Technology & Livelihood Education at Home Economics,” pahayag ni Lacuna sa kanyang talumpati.
Sinabj ni Lacuna na ang bagong school building ay naitayo sa pamamagitan ng city’s Special Education Funds at hindi kinailangang umutang sa bangko. Ang halaga ng proyekto ay nasa P458,116,746.30.
Ang gusali ay itinayo sa 2,864-square-meter lot at kabilang sa pasilidad nito ang elevators, library, canteen, air-conditioned social hall sa sixth floor, restrooms at open basketball court na may bleacher seats.
“When stakeholder donors pitch in for the solar panels, classes will be uninterrupted even during power outage,” dagdag pa ng alkalde.