Latest News

Retiradong sundalo ng Philippine Army (PA) arestado sa pangho-holdap ng convenience store

By: Baby Cuevas

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 8 sa isang follow-up operation ang isang 54-anyos na retiradong miyembro ng Philippine Army matapos na. mangholdap umano ito ng convenience store sa Sta. Mesa, Maynila.

Kasalukuiyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na si Alberto Amador, ng No. 2911 Samat St. Tondo,Maynila.

Ayon sa imbestigasyon , dakong alas- 12:30 ng madaling araw kahapon nang maaresto ang suspek sa harap ng bahay nito bunga ng isang manhunt operation.


Napag-alaman na nakilala umano ang suspek matapos na i-backread ang nakakabit na CCTV sa lugar, kung saan nakita ang suspek na pumasok sa loob ng 7-11 store at nagsagawa ng holdap. Positibo itong kinilala ni Jonel Gozo, manager ng nasabing convenience store.

Nabawi sa suspek ang ginamit nitong kulay pulang Yamaha motorcycle na. may plate number 2600XP,CZ black pistol, dalawang magazine at iba’t-ibang ibang klase ng bala.


Kasong robbery -hold up o paglabag sa Art 293 ng Revised Penal Code ang isinampa laban sa suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Station 8

You May Also Like

Most Read