Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna ang tagumpay ng programang inilunsad ng pamahalaang-lungsod para sa proteksyon ng mga kabataan ng lungsod.
Aumyon sa alkalde, ang Manila Peace and Order Council sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay na pinamumunuan ng pangulo nito na si Councilor Lei Lacuna, ay nagsagawa ng serye ng Mental Health and Child Protection seminars na may temang: “Kapakanan at Kaligtasan ng Kabataan Prayoridad ng Barangayan.”
Ang naturang seminars ay ginawa sa San Andres Sports Complex.
Bawat isang barangay sa may 896 na mga barangay sa Maynila ay inatasang magpadala ng dalawang kinatawan para lumahok sa seminars.
Ang mga lumahok ay inaasahan naman na gagamitin ang kanilang mga natutunan upang ibahagi sa kanilang kapwa barangay workers.
Ang nasabing seminars ay ini- schedule kada distrito at ginawa mula August 18 hanggang August 24, 2023 mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Binigyang-diin ni Mayor Honey ang kahalagahan ng mga barangay sa paghawak ng mga usaping nakakaapekto sa mga kabataan, lalo na sa mga tinatawag na ‘children in conflict with law.














