Latest News

Sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama si President Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa isang pagtitipon sa Malacanang.

POGO SA MAYNILA, KUNG MERON, ‘WAG NA HINTAYIN ANG DEADLINE PARA TAPUSIN ANG OPERASYON — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga POGO operators sa lungsod, kung mayroon man, na magsilisan na at huwag nang hintayin pa ang huling araw ng ibinigay na deadline ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago lumisan ng bansa.

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na hindi pahihintulutan ng pamahalaang-lungsod ng Maynila na palawigin pa o magkaroon ng extension ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa lungsod, kahit legal pa ito, alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulo.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tapusin na ang lahat ng operasyon ng POGO sa bansa sa katapusan ng taon.


Kaugnay nito ay nanawagan din si Lacuna sa lahat ng may-ari ng mga gusali kung saan mayroong POGO operators bilang tenants, na bigyan na nila ang mga ito ng kaukulang notice na ‘di na nila papayagan pang umiral ang operasyon nito dahil maituturing na ito bilang iligal.

Ang mga residente naman ng lungsod na mawawalan ng trabaho dahil dito ay hinihikayat ng alkalde na maghanap-hanap na ng bagong trabaho at kaugnay niyan, ang pubic employment service office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo ay palagian umanong naglulunsad ng job fairs para sa mga nangangailangan ng trabaho.

Aniya, ang mga naturang job offers ay pinangangasiwaan ng PESO at bukas maging sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs), kung saan may mga pinapalad pang naha- hire on the spot.

Samantala, pinapurihan ni Lacuna ang ginawa ng Manila Police District sa pamumuno ng direktor nitong si Gen. Arnold Thomas Ibay at ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), nang arestuhin ng mga ito ang may 69 na mga dayuhan at 47 Filipinos sa isinagawang raid sa isang commercial at residential establishment na pinanoniwalaang scam hub, sa Adriatico St., sa Maynila. Kabilang sa mga naaresto ay 35 Chinese nationals, 11 Indonesians at 10 Malaysians.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read