Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at MDSW Re Fugoso kasama ang mga biktima ng sunog na binigyan ng alkalde ng pinansiyal na ayuda mula sa pamahalaang-lungsod.

PINANSIYAL NA AYUDA, IBINIGAY NI MAYOR HONEY SA MGA NASUNUGAN SA SAMPALOC AT TONDO

By: Jerry S. Tan

PERSONAL na namahagi ng financial assistance si Mayor Honey Lacuna sa mga nabiktima ng sunog kamakailan sa Sampaloc at Tondo.

Kasama ng alkalde sina Vice Mayor Yul Servo at social welfare department chief Re Fugoso, na nagsabing personal ding nagtungo ang alkalde sa evacuation centers upang kamustahin ang kalagayan ng mga pamilyang inilikas at pansamantalang dinala doon matapos maapektuhan ng malakas na pag-ulan.

Sa kanyang maikling mensahe sa mga biktima ng sunog, sinabi ni Lacuna na ang pamahalaang -ungsod ay palagiang nakaalalay para tumulong sa mga biktima na makapagsimulang muli.

Napag-alaman na ang bawat isang pamilya na nasa 116 ang kabuuang bilang ay tumanggap ng P10,000 cash upang matulungan sila sa kanilang pangangailangan gaya ng pagbili ng mga materyal na gagamitin sa pagtatayo muli ng kanilang tirahan.

Muli ay ipinaalala ni Lacuna sa mga residente na laging itanim sa kanilang isipan na kapag may sunog ay unahing iligtas ang sariling buhay at mga kasamahan sa bahay.

Binigyang- diin pa ng alkalde na ang materyal na bagay ay madaling palitan, pero hindi ang buhay ng tao.

Pinayuhan din ni Lacuna ang mga apektadong residente na matuto sa nakaraang pangyayari at isaisip lagi kung ano ang mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog at kung paano ito maiiwasan.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read