Latest News

Si Manila Mayor Honey Lacuna kasama si Universidad de Manila President Felma Carlos-Tria. (JERRY S. TAN)

PETSA NG PAGTANGGAP NG ONLINE APPLICATIONS NG FRESHMEN AT SENIOR HIGH, ITINAKDA NG UDM

ITINAKDA na ng Universidad de Manila (UdM) ang petsa kung kailan sila tatanggap ng college freshmen at senior high school students para sa Academic Year 2023-2024.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna, na nagsabi na ang mga college freshmen ay maaari ng mag-apply simula March 13, 2023, habang ang senior high school naman ay sa April 17, 2023.

Base sa umiiral na rules na itinakda ni UdM President Felma Carlos-Tria, sinabi ng lady mayor na ang applicants ay kailangang kumuha ng schedule ng online appointment para pumunta sa UdM at magsumite ng kanilang requirements.


Ipinaliwanag ni Tria na ang online appointments sa pagsusumite ng requirements ay kada District (kung saan kasalukuyang nakatira ang applicant ).

Ang mga petsang itinakda ay ang mga sumusunod:: Districts 1 at 2, mula March 7 – 8; Districts 3 at 4, mula March 9-10 at Districts 5 at 6, mula March 11-12.

Para sa lahat ng applicants sa lahat ng districts na hindi nakakuha ng appointment schedule sa per district assigned dates o hindi nakarating sa itinakdang petsa, maaari silang ma-entertained mula March 13-April 14.

“Make sure to read and understand the Admission Requirements and Guidelines available in the Online Appointment System,” sabi nito.


Kapag natapos na ang admission appointment, kailangang i- print o i-screenshot ang Appointment Confirmation na kailangang ipakita sa UDM Security kasama ang valid ID, para sa verification , bago makapasok sa UdM.

Ang pasukan ng applicants ay sa MEHAN GARDENS Gate at kailangang dumating ang applicants nang 15 minuto bago ang kanilang scheduled appointment.

“Don’t forget to bring all your application requirements,” sabi ni Tria, at idinagdag din na ang UdM Admission Appointment ay makukuha sa pamamagitan ng link reg.udm.edu.ph/udmadmission o via QR Code na naka-post sa Facebook account ng UdM.

May kabuuang 2,100 freshmen ang tatanggapin para sa 2023-2024 schoolyear ng UdM. (JERRY S. TAN)


Tags:

You May Also Like

Most Read

Menu