Latest News

Pet cemetery, animal clinic at shelter bubuksan sa Maynila

By: Jerry S. Tan

NAKATAKDANG magbukas ang Maynila ng libingan para sa mga alagang hayup gayundin ng animal clinic at shelter.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna, na nagsabing ang planong sementeryo para sa mga alagang hayop ay bubuksan sa Manila South Cemetery.

Idinagdag pa niya na ginagawa na din ang naturang sementeryo pati na rin ang animal clinic at tirahan ng mga hayop.

Kapag operational na ang nasabing sementeryo, ito ay maaaring paglibingan ng mga alagang hayop ng mga residente ng Maynila nang walang bayad.

Samantala, inihayag din ni Lacuna na ang lungsod ay magkakaroon na ng animal shelter at clinic para sa mga mahihilig sa hayop.

“Ang free cemetery na ito ay para sa ating mga alagang hayop. dahil sa Maynila, lahat niyayakap,” ani Lacuna.
“Patunay lamang po ito na ang inyong pamahalaang-lungsod ay nakatuon di lamang sa tao bagkus, maging sa ating mga alagang hayop.”

Ang target date para sa pagbubukas ng animal clinic at shelter na matatagpuan sa Vitas, Tondo ay sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Tags:

You May Also Like

Most Read