Si UdM President Felma Tria na nagsabing pinaiiral sa unibersidad ang 'non-partisan policy' sa gitna ng pekeng survey na lumabas sa social media gamit ang paaralan. (JERRY S. TAN)

PEKENG SURVEY, UDM NAMAN ANG GINAMIT, ITINATWA NG UDM

By: Jerry S. Tan

“Katatapos lang ng pekeng survey sa city employees at PLM. Ngayon, UdM naman. Ano susunod? MPD? Barangays? SK? Mahiya naman kayo.”

Ito ang natatawang pahayag ni Manila City Administrator Bernie Ang kaugnay ng panibagong ‘fake news’ na lumutang sa social media nitong Lunes kung saaan pinalalabas na nagkaroon ng survey sa Universidad de Manila (UdM) at nangunguna ang kalaban ni Manila Mayor Honey Lacuna, kagaya ng lumabas bago nito na Pamantasan ng Maynila (PLM) naman ang ginamit, bagay na itinatwa ng naturang unibersidad.

Ani Ang, ang mga nasa likod ng walang humpay na mga pekeng survey ay malinaw na walang kahihiyan sa katawan at nagpapakita ng labis na desperasyon bilang isang kandidato.


Mariing ikinaila ng UdM ang naglalabasang survey sa social media na pumapabor sa isang kandidatong makakalaban ni Manila Mayor Honey Lacuna sa eleksiyon sa Mayo at sa isang pormal na advisory ay tinawag itong ‘fake news’ ng UdM mismo.

Ayon kay UdM President Dr. Felma Carlos-Tria, ang UdM ay may umiiral na ‘non-partisan policy’ at walang anumang survey na isinasagawa sa kanilang unibersidad.

Paniniguro pa ni Tria, hindi nila pinahihintulutan ang kanilang mga estudyante na lumahok sa anumang political survey.

“Universidad de Manila is dedicated to being a non-political academic institution that values integrity, academic excellence and the well-being of its community members,” ayon pa sa UdM.


“Recent surveys circulating online that claim to reflect the political views of UdM students are not approved by the University and are NOT conducted by any recognized student organization,” anito. “As a non-partisan educational institution, UdM does not permit anyone to carry out political surveys among its community members,” dagdag pa nito.

Habang isinusulat ito ay napag-alamang naghahanda na rin ng sariling pahayag ang Supreme Student Government ng UdM upang itatwa na may mga estudyante sa kanilang unibersidad na natanong at lumahok sa anumang survey.

Tags: UDM President Dr. Felma Carlos-Tria

You May Also Like

Most Read