Binatikos ni Manila City Administrator Bernie Ang ang mga pekeng survey na ginamit pa ang PLM at mga city employees. (JERRY S. TAN)

PEKENG SURVEY SA MAYNILA GAMIT ANG PLM AT CITY EMPLOYEES, BINATIKOS NI CITY ADMINISTRATOR ANG

By: Jerry S. Tan

Mariing binatikos ni Manila City Administrator Bernie Ang ang naglalabasang pekeng survey sa lungsod, na aniya ay isang’desperate attempts at deception’ o desperadong tangka na makapanloko ng mga kalaban sa politika ni Manila Mayor Honey Lacuna, bukod pa sa malaking insulto sa katalinuhan ng mga residente ng Maynila.

Partikular na tinukoy ni Ang ang ilang social media posts na nagsasaad na ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at mga empleyado ng Manila City Hall ay nagsagawa ng survey, kung saan lumitaw na napakalaki ng lamang ng isang kandidato laban kay Lacuna.


Mariin din namang pinabulaanan ng PLM ang pekeng survey, gayundin ng mga empleyado ng Manila City Hall na ayon kay Ang ay nagtatanungan sa kanilang mga sarili kung sino ang na-survey, nag-survey at kung kelan at saan ito ginawa.

Ayon kay Ang, “the disparity or difference shown on the fake surveys is so ridiculous that no one in his right mind will believe them. This is a clear sign of desperation on the part of our political foes and we take this to mean that they have accepted defeat this early.”

Tinitiyak din ni Ang na ang mga empleyado ng city hall ay hindi kailanman masasangkot sa politika dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa kanila at sa ginawang pag-post ng pekeng survey ay tila pinapahamak pa umano ang empleyado ng lungsod.


Ani Ang, sa loob ng mahabang panahon, ang PLM at City Hall employees ay nananatiling ‘insulated’ sa pulitika o hindi nasawsaw sa pulitika.

“Legitimate surveys are based on mathematics which is an exact science. It cannot be invented. Only the one releasing it can fabricate to his favor,” pahayag ni Ang.


Inihayag naman ng PM na nananatili ang kanilang non-partisan academic situation at ang prayoridad nila ay ang integridad, academic excellence at kapakanan ng mga miyembro ng kanilang komunidad.

“Purported surveys proliferating online involving alleged political preferences of PLM students are NOT sanctioned by the University and are NOT done by any duly- accredited student body or organization. PLM as a non-partisan educational institution does not authorize or allow any person or organization to conduct political or partisan surveys among members of its community,” dagdag pa ng PLM sa isang statement na inilabas din sa social media.


Tags: Manila City Administrator Bernie Ang

You May Also Like

Most Read