Latest News

Makikitang tinatanggap ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga donasyon mula kay Peak Philippines President Michael Chenglay. Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ng magkabilang panig sina (kanan ni Lacuna) City Administrator Bernie Ang, (kanan) Manila Sports Council (MASCO) chief Roel de Guzman at (kaliwa) Willord Chua, executive director ng Manila Chinatown Development Council. (JERRY S. TAN)

PEAK PHILS, SUMUPORTA KAY LACUNA DAHIL SA MAGAGANDANG KAGANAPAN SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

MULI na namang tumanggap ng suporta ang administrasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna, at sa pagkakataong ito, ang suporta ay nagmula sa sporting goods company na ang may-ari ay labis umanong nagagalak sa mga ginagawa ng alkalde sa lungsod kaya niya ito suportado.

Ang mga kinatawan ng Peak China at Peak Philippines, na pinangungunahan ng chairman nito na si Xu Jing Nan at presidenteng si Michael Chenglay, ay personal na nagbigay ng donasyon na mga gamit sa sports at cash na kanilang iniabot mismo kay Lacuna. Sila ay sinamahan ni City Administrator Bernie Ang habang naroon din sa naging pagbisita sa mayor’s office si Manila Sports Council (MASCO) chief Roel de Guzman, Willord Chua, executive director ng Manila Chinatown Development Council at ang delegation mula sa Peak China na binubuo nina Xu Jing Nan, chairman; Christin Wu (president, international dept), Helen Lin ( VP international dept.) and Theren Bullock Jr. (Foundation Senior Manager), FIBA.

Kabilang naman sa Peak Philippines group sina Michael Chenglay (president), Jonathan Chenglay (general manager), Batchie Magat (vice president), Daryl Magdaong (marketing head) at Principal Lin ( Fil- Chi athletics federation) kasama din ang mga PBA players na sina Arwind Santos, Jio Jalalon, Calvin Abueva and Rey Nambatac.


Sinabi ni Ang na nais makausap ni Chenglay si Lacuna upang maipahayag ang kanilang suporta partkular sa sports programs ng lungsod sa ilalim ng pamamahala ni De Guzman.

Sinabi ni Chenglay sa alkalde na 20 taon siyang nawala sa Pilipinas at masaya siya na sa kanyang pagbalik ay nakita niya ang malaking kaunlaran at pagbabago ng Maynila.

Una nang nag-donate ang kumpanya ng daan-daang rubber shoes na itinurn- over ng alkalde kay De Guzman, kung saan sinabi din ng mga opisyal ng kumpanya na handa silang tumulong sa kahit na anong paraan.

Pinasalamatan ni Lacuna ang mga donors dahil napili nila ang Maynila na tumanggap ng kanilang tulong.


Sa kanyang pasasalamat, sinabi ni Lacuna na malayo ang mararating ng kanilang mga ibinigay na donasyon lalo na sa pagtataguyod ng sports para sa kapakanan ng mga kabataan.

Sinabi pa ng alkalde na iba’t-ibang sports activities ang itinutulak ni De Guzman upang magkaroon ng malusog na populasyon ng kabataan ang lungsod at makaiwas ang mga ito sa masasamang bisyo.

Ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay patuloy na nakakatanggap ngsuporta mula sa iba’t-ibang pribadong kompanya bilang pagpapahayag ng kanilang paniniwala sa administrasyon ni Lacuna.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read