Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at city adminiistrator Bernie Ang (nakaupo, ikatlo mula kaliwa) sa pagtanggap sa bagong lupon ng mga PCCCII officials na nag-courtesy visit sa City Hall. Kasama sa larawan sina (kaliwa ni Lacuna' bagong PCCCII president Arian Hao , past president Joey Go (nakaupo, ikalawa mula kaliwa) at (kaliwa, nakatayo) Willord Chua, executive director ng Manila Chinatown Dev.t Council. (JERRY S. TAN)

PCCCII AT MANILA LGU, KAPWA NAGHAYAG NG SUPORTA SA ISA’T-ISA

By: Jerry S. Tan

Nagpahayag ng suporta ang mga bagong halal na opisyal ng Philippine-China Chamber of Commerce Industry, Inc. (PCCCII) sa llokal na pamahalaang pinamumunuan ni Manila Mayor Honey Lacuna na bilang ganti ay tiniyak din ang kanyang tulong sakaling kailanganin ito ng nasabing gupo.

Sa pangunguna nina new President Arian Hao, past President Joey Go at Vice Presidents Allan Apaga at Liu Fuyuan, ang mga bagong opisyal ng PCCCII ay nag-courtesy call sa alkalde at sinamahan ni City Administrator Bernie Ang, kung saan inanyayahan ang mga ito ng dalawang oipisyal na maging bahagi ng 453rd founding anniversary ng lungsod na tinawag na, ‘Araw ng Maynila.’ sa darating na buwan.

Ang nasabing grupo na binubuo ng mga negosyante na ang iba ay naka-base sa Maynila, ay binigyan ni Lacuna ng katiyakan na sila ay mabibigyan ng buong-buong proteksyon at tulong, kasabay ng paghimok sa mga ito na mag-imbita pa ng mga miyembro nila ipang magtayo ng negosyo sa Maynila.


Sa kanyang bahagi ay sinabi naman ni Hao kina Lacuna at Ang na itinuturing ng kanilang grupo ang Maynila bilang pangunahing business investment area at prayoridad sa mga nais magtayo ng negosyo.

Kaugnay niyan ay tiniyak naman ni Ang sa grupong PCCCII na sa Maynila, lahat ng mga negosyante ay makakaranas ng kagaanan sa pagsasagawa ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng mabilis na pag-proseso ng mga requirements para sa mga magsisimula pa lang ng bagong negosyo o mga magre-renew ng kanilang mga required documents.


Samantala, sinabi ni Hao kay Lacuna na ang PCCCII ay makikiisa sa pamahalaang-lungsod para sa isang buwang pagdiriwang ng ‘Araw ng Maynila.’.

Ang PCCCII ay isang organisasyon kung saan ang mga miyembro ay pawang may-ari ng iba’t-ibang kumpanya na nakakalat sa buong bansa.


Tags: city adminiistrator Bernie Ang, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like