Nagpahayag ng papuri at pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna kay President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA), dahil ilan umano sa mga aspeto nito ay tumutugma sa kanyang tuloy-tuloy na mga programa para sa mga residente ng Maynila.
“The emphasis of the President on public employment service offices (PESOs), 4Ps, and programs for seniors and persone with disablity (PWDs) indeed mirror our goals and vision for all Manileños,” ani Lacuna.
Ani Lacuna, ang pahayag ng Pangulo na layuning palakasin pa ang mga ito ay lubhang mahalaga dahil ang nais niya ay mabago at umunlad ang pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino, kabilang na ang mga Manileños .
“We look forward to the corresponding national laws, national budget and an increase in the National Tax Allocation share of Manila, so that we can do more and carry out all our programs geared toward a ‘Magnificent Manila’ in 2030,” dagdag pa ni Lacuna.
“Maraming salamat, President Ferdinand R. Marcos, sa iyong mga pahayag sa SONA 2024,” pahayag ng lady mayor.
Samantala, nakatakdang ipahayag ni Lacuna ang kanyang ikalawang State of the City Address sa Martes (July 30, 2024), ganap na alas-2 ng hapon sa PICC Forum Tent.
Sinabi ni Manila public information office head at spokesperson Atty. Princess Abante na lahat ng news and social media outlets ay welcome para saksihan ang kaganapan na mayroon ding livestreamed sa social media accounts ng Manila PIO at Office of the Mayor.
Ayon pa kay Abante, kinailangan na ilipat nila ang venue ng SOCA ng alkalde sa mas malaking lugar upang ma-accommodate ang mga inaasahang dadalo na itinatayang nasa 1,000.
Sa kanyang address ay inaasahang ilalatag ni Lacuna ang iba’t-ibang accomplishments at plano para sa Maynila.