Latest News

Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Lacuna with (left) city architect Dennis Lacuna at the flagraising ceremony in Manila City Hall on Monday.

PBBM, PINASALAMATAN NI MAYOR HONEY SA PAGSAMA SA JO AT CONTRACTUALS SA GRATUITY PAY

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna si Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) matapos nitong ianunsiyo na ang lahat ng job order (JO) at contract of service (COS) personnel ay kasama na sa mga pagkakalooban ng gratuity pay ngayong taon.

Sa kanyang maikling mensahe sa regular na flag raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes ng umaga, pinasalamatan rin ni Lacuna ang lahat ng city officials at employees dahil sa isa na namang taon ng dedikasyon, tapat at totoong serbisyo na ipinagkaloob nila sa lungsod at sa mga Manilenyo.


“Maraming maraming salamat sa isa naman pong taon ng inyong tapat at totoong paglilingkod,” anang alkalde.

“Gaya ng ating laging sinasabi, dito sa lungsod ng Maynila, mahalaga ang lahat. Ang Pasko ay para sa lahat kaya ako’y natutuwa nang ianunsiyo ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kasama na rin ang ating mga job order at contractual services sa makakatanggap ng gratuity pay ngayong taon. Masaya po ako para sa inyo,” dagdag pa ni Lacuna.

Nagpasalamat rin ang alkalde kay Marcos para sa magandang anunsiyo nito at sinabing, “Ang Pasko ay para sa lahat walang pinipili lahat kasama dahil lahat mahalaga ‘yan ang Sama-Sayang Pasko dito sa lungsod ng Maynila.”


Nauna rito, ibinalita ni PBBM na inaprubahan na niya ang increase sa gratuity pay para sa contractual at JO workers sa pamahalaan, na umabot sa P7,000. Ang naturang increase ay ipatutupad nang hindi mas maaga sa Disyembre 15, 2024.

Alinsunod sa Administrative Order 28 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ni Pang. Marcos na ang JOs at COS employees na nagkaloob ng kabuuan o pinagsama-samang apat na buwang actual satisfactory service performance hanggang Disyembre 15, 2024 ay tatanggap na rin ng gratuity pay mula P5,000 hanggang P7,000.


“Granting a yearend gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,” ani Pang. Marcos.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Lacuna

You May Also Like