Latest News

PBBM, Mayor Honey, namahagi ng bigas sa ‘Pantawid Pamilya Households’

By: Jerry S. Tan

MAGKASAMANG namahagi ng bigas sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Mayor Honey Lacuna para sa ‘Pantawid Pamilya Households’ sa Maynila.

Ang pamamahagi ng punong ehekutibo ng bansa at ng alkalde ng Maynila ay ginawa sa San Andres Sports Complex sa ikalimang distrito ng lungsod.

May kabuuang 1,000 benepisyaryo mula sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod ang tumanggap ng 25 kilo ng bigas bawat isa.


Ang nasabing subsidiya ay bilang ayuda sa pamilyang nakapaloob sa nasabing programa.

Ang pagtitipon ay dinaluhan din nina Fifth District Representative Irwin Tieng, mga taga-Department of Social Welfare and Development’s Central at NCR Offices pati na ng mga kawani Manila Department of Social Welfare sa ilalim ni Re Fugoso.


Pinasalamatan ni Lacuna si Pangulong Marcos para sa nasabing ayuda at sinabi pang lahat ng uri ng suporta ay ‘welcome’ sa Maynila, basta’t para sa kapakinabangan ng mga residente ng lungsod.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read