Pinangunahan nina President Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpapailaw ng Jones Bridge nitong Sabado ng gabi, June 7, 2025.
Ang nasabing aktidibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng ‘bilateral relations’ sa pagitan ng Pilipinas at People’s Republic of China (PROC).
Dumalo din sa nasabing pagtitipon na ginanap sa Pasig River Esplanade, sina Presidential adviser for Pasig River Development Secretary Jerry Acuzar, Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at mga kinatawan mula sa Filipino-Chinese business sector.
Sinamahan ng nga nabanggit na personalidad ang First Couple, hindi lang sa ceremonial lighting ng makasaysayang tulay, kundi maging sa panonood ng musical fireworks display.
Matatandaan na ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China ay itinatag noong June 1975.
Mula noon, ang dalawang bansa ay nakabuo na ng may 100 bilateral agreements na sumasakop sa mas malawak na mga larangan kabilang ang political, defense, trade and investments, judicial cooperation, infrastructure development, energy cooperation, air services, cooperation para labanan ang transnational crimes, consular cooperation, tourism and culture at iba pa.














