Si Mayor Honey Lacuna habang kausap ang mga senior citizens sa Maynila. (JERRY S. TAN)

Payout ng allowance sa 203K senior citizens sa Maynila, matatapos na – Mayor Honey

By: Jerry S. Tan

Inaasahang matatapos na ng Manila city government ang payout ng monthly allowance ng may 203,000 senior citizens ng lungsod sa buwang kasalukuyan.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, sinimulan ang payout noong Setyembre 8, at magtatagal hanggang Setyembre 27, 2024.

Hide original message


Napag-alaman na bawat senior citizen ay dapat na nakatanggap ng tig-P2,000 cash aid mula sa city government.

Sinabi ni Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto na ang naturang cash aid ay kumakatawan sa P500 na monthly allowance ng seniors para sa mga buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto. Ito ay bahagi ng social amelioration program ng administrasyong Lacuna.

Aniya pa, ang payout, cashout at liquidation ng senior citizens’ allowance ay pinangangasiwaan ni Public Employment Service Office (PESO) chief Fernan Bermejo.

Ang mga payout ay hinati sa tig-dalawang distrito sa mga partikular na petsa kung saan ang huling payout ay nakatakdang isagawa mula Setyembre 21 hanggang 27 sa District 5 at 6.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read