Patung- patong na kaso, isinampa ng NBI sa mag-asawang ibinenta ang 5-anyos na anak sa online child sex abuse

Patung-patong na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mag -asawa na inialok umano ang kanilang sariling 5- anyos na anak na babae para maging “online sexual object” ng isang Australian national.

Napag-alaman sa National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) na kabilang sa mga kasong isinampa sa Office of the Prosecutor General ng DOJ laban sa mag -asawa na hindi pinangalanan ang. paglabag sa RA 11930 (Anti-Online Abuse and Exploitation of Children), RA 9208 as amended by RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) , RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997).

Ang pagsasampa ng kaso ng NBI ay matapos na makumpirma na ang mga suspek ang pinanggalingan ng child sexual abuse materials (CSAMs) na nakumpiska sa Australian national na si Warren Dixon, nang maaresto ito ng Australian police noong Nobyembre 28,2022.


Nabatid na noong Enero 2022 ay nakatanggap ng impormasyon ang NBI sa Australian Center to Counter Child Exploitation sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) ukol sa illigal na aktibidad ni Dixon.

Diumano, ang naarestong mag -asawa ay kabilang sa mga sponsor ni Dixon ng CSAMs, kung saan nagu-usap ang mga suspek sa pamamagitan ng Skype accounts.

Nakita rin sa CSAMs ang kanilang limang- anyos na anak na mayroong ‘virtual sexual engagements’ kay Dixon at sa maraming okasyon ay nakita ang ma- asawa na may video chat kay Dixon habang pinapakita dito Ang hubad na katawan ng bata at ginagawan ng kahalayan. Ito ay nakita sa pamamagitan ng 17 videos at ilang screenshots.

Nang makumpirma ang kinaroroonan ng mag- asawa ay sinalakay ng NBI ang kanilang bahay sa Mabalacat, Pampanga armado ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD), noong Marso 29.


Nakipag-ugnayan rin ang NBI sa City Social Welfare Development Office (CSWDO) Mabalacat City, DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at iba pang concerned agency na nagresulta sa pagkakumpiska ng apat na cellular phone, isang tablet at larawan ng bata at kanyang Ina na kapwa walang saplot. (ARSENIO TAN)

Tags: ational Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read