PARI NG TONDO, SUSPENDIDO

By: Jaymel Manuel

ISANG pari na nakapuwesto sa Tondo, Maynila ang sinuspinde ng Archdiocese of Manila matapos na masangkot sa isang kaguluhan na nakuhanan sa CCTV sa loob mismo ng simbahan ng Tondo.

Na-relieve epektibo Hunyo 5 ,2024 si Rev. Fr. Alfonso Valezaa sa kanyang pagka-pari at hindi na siya pinayagan na makapag- misa at gawin ang kanyang mga tungkulin bilang isang pari.


Napag-alaman alaman na si Valeza ay nauna nang inalis bilang parochial administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo noong Hunyo 3.

“He is therefore prohibited from administering the sacraments. Any sacrament he administers is illicit,” ayon sa pahayag ng archdiocese.

Bilang kapalit niya ay itinalaga sina Msgr. Reginald Malicdem, Fr. Nolan Que at Fr. Gilbert Kabigting bilang parochial administrators.


Si Valeza ay nakunan ng video habang nakikipagbuno kay Novaliches Bishop Antonio Tobias sa loob ng Simbahan.

Diumano, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa, kaugnay ng napipintong pagtanggal ng pari sa Simbahan dahil sa alegasyon na ito ay isang ‘corrupt priest”.


Itinanggi ng archdiocese na.may kinalaman ang pagsuspinde kay Valeza sa alegasyon bagkus, ito umano ay dahil sa pagkabigo ni Valeza na sundin ang kautusan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula may dalawang taon na ang nakakalipas na sumailalim ito sa counseling dahil sa kanyang “unstable personality”.


Tags: Rev. Fr. Alfonso Valezaa

You May Also Like