Latest News

Inatasan ni Mayor Honey Lacuna si City Administrator Bernie Ang na imbestigahan ang reklamo ng isang media member na siningil para makagamit ng comfort room sa Lucky Chinatown Mall. (JERRY S. TAN)

PANININGIL NG MALLS SA CR, PINAIIMBISTGAHAN NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang imbestigasyon sa mga shopping malls na naniningil sa paggamit ng kanilang mga dapat sana ay ‘public toilet’.

Inatasan ni Lacuna si City Administrator Bernie Ang na sulatan ang mga mall owners sa Maynila upang tiyakin na libre ang paniningil kapalit ng paggamit ng kanilang comfort rooms.

Hinikayat din ni Lacuna ang mga mall owners na ihinto na ang paniningil dahil ito ay ‘anti-poor’ at lihis sa regulasyong itinakda ng local government sa pamamahala ng kanilang operasyon.

Iniutos din ng alkalde ang imbestigasyon sa reklamo ng isang reporter na si Juliet de Loza ng Abante/Abante Tonite, na siningil ng P20 sa paggamit ng comfort room sa Lucky Chinatown Mall sa Binondo. Bukod diyan, ang resibong ibinigay sa kanya ay P10 lang ang nakalagay.

Ayon kay Ang, ang mga shopping malls ay binigyan ng permit na mag-operate ng lokal na pamahalaan sa kondisyon na maglalagay sila ng mga pasilidad na kailangan ng kanilang customers o mamimili t kabilang na dito ang mga public comfort rooms na magagamit ng customers nang libre.

Sinabi ni City Administrator Ang na bagama’t ang shopping malls ay pribadong pag-aari ng mga negosyante, may karapatan ang pamahalaang -lungsod na i-regulate ito ang kanilang operations at magpatupad ng kautusan kung ang operasyon ng mall ay taliwas sa kapakanan at interes ng publiko.

Sa isyu ng reklamo sa Lucky Chinatown, sinabi ni Ang na nakagawa pa ng karagdagang pagkakamali ang nasabing mall nangsingilin si De Loza ng halagang P20 gayung ang presyong nakasaad sa reisbo ay P10 lamang.

Ani Ang, anumang paglabag sa mga regulasyong itinatakda ng lokal na pamahalaan ay maaring maging batayan ng pagpataw ng mga parusa o maging ng pagsasara ng mga nasabing mall na gumagawa ng mali.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read