Latest News

Ipinakikita ni Mayor Honey Lacuna ang kopya ng MOA na kanyang pinirmahan, kasama sina (mula kaliwa) Secretary to the Mayor Marlon Lacson, RS Realty Concepts developer president William Russel Scheirman, Jr. , City Administrator Bernie Ang, Vice Mayor Yul Servo at RS legal counsel Atty. John Henry Pascual. (JERRY S. TAN)

PANGULONG MARCOS, PINASALAMATAN NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

PINASALAMATAN ni Mayor Honey Lacuna si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. dahil sa pagbibigay prayoridad sa Maynila sa housing programs ng administrasyon.

Ipinahayag ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa ginanap na paglagda sa memorandum of agreement MOA sa pagitan ng city of Manila at ng RS Realty Concepts Developers, Inc.

Ang signing ceremony ay pinangunahan ni Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, City Administrator Bernie Ang at Secretary to the Mayor Marlon Lacson sa bahagi city government at sa bahagi naman ng developer, ng presidente nito na si William Russel Scheirman, Jr. at legal counsel Atty. John Henry Pascual. Naroon din ang mga kinatawan ng PAG-IBIG.

Sa kanyang maiksing mensahe, sinabi ni Lacuna na para sa panig ng mga taga-Maynila at ng pamahalaang-lungsod ay labis siyang nagpapasalamat kay Presidente Marcos dahil sa ginawa nitong inuna ang Maynila na mapagkalooban ng disenteng tirahan para sa mga higit na nangangailangan nito.

Inatasan ng alkalde si Ang na ayusin ang mechanics para sa programa pati na ang arrangements na ginawa sa developer, city government at PAG-IBIG.

Nabatid na inatasan na ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na alamin ang mga posibleng recipients ng 7,500 units na readily available na at mapapasakanila pagkatapos ng 30 taon.

Ang housing project, ayon kay Lacuna, ay nasa murang halaga lamang at mayroon itong community mall playground at malawak na open areas.

“Lagi nila iniisip ang pangangailangan ng bawat Pilipino…sana ay marami pang ganito sa lungsod,” pahayag nito ukol sa desisyon ni Marcos na unahin ang Maynila sa nasabing housing project.

Dagdag pa ni Lacuna: “Ito po ay para sa inyo.. bahagi ng inyong pangarap na ating nabigyang katuparan.”

Tags:

You May Also Like

Most Read