Binati at pinasalamatan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang kanilang mga supporters na nagtipon-tipon sa Kartilya ng Katipunan bago sila mag-file ng kanilang COCs. (JERRY S. TAN)

PANALO NG HONEY-YUL TANDEM, TIYAK NA TIYAK

By: Jerry S. Tan

TINIYAK ni Mayor Honey Lacuna na mananalo silang dalawa ni Vice Mayor Yul Servo bilang alkalde at bise-alkalde sa darating na 2025 elections, kasabay ng pahayag na hindi siya gagaya sa ibang kandidato na walang ginawa kundi manira “kasi, hindi naman po kami pinalaki ng magulang namin na manira po ng ibang tao.”

Bunsod ng hiling ng media, ipinakita nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang kanilang COCs matapos nilang mag-file sa Comelec sa Cinema 12 ng SM Manila. (JERRY S. TAN)

Ito ang naging deklarasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos na siya at si Vice Mayor Yul Servo ay sabay na maghain ng kanilang certificates of candidacy (COCs) sa Comelec sa Cinema 12 ng SM Manila, kung saan pareho nilang tiniyak na patuloy silang magsisilbi sa ilalim ng prinsipyo ng mabuti at tapat na pamamahalang naka-sentro sa paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mas nangangailangang sektor, lalo na ng mga senior citizens.


Matapos na maghain ng kanilang COCs, sinamahan nina Lacuna at Servo ang kanilang mga kandidato sa pagka-konsehal sa iba’t-ibang distrito ng Maynila. na pinili ang parehong araw para maghain ng kani-kanilang CoCs kabilang na si chairman Bong Marzan, kapatid ni dating city administrator Jay Marzan at tumatakbo bilang konsehal ng ika-apat na Distrito.

Ayon kay Lacuna, siya at si Servo ay umaasa na maipagpapatuloy ang “centerpiece program” ng kanilang administrasyon, ang social amelioration program o SAP na nagbibigay ng buwanang tulong pinansiyal sa mga senior citizens, solo parents, persons and minors wirh disability at university students mula sa dalawang kolehiyong pinatatakbo ng lungsod.

Bago mag-file ng COC ay sumali sina Lacuna at Servo sa mala-piyestang pagtitipon sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall kung saan naghihintay ang libo-libong supporters nila, na ang iba ang naroon na alas-6 pa lamang ng umaga.


Napag-alaman na ang mga Honey-Yul supporters na pawang naka-asul ay nasa naturang venue na may limang oras bago pa ang itinakdang pag-file ng COCs nina Lacuna at Servo na tumatakbo bilang alkalde at bise-alkalde sa ikalawang termino.

Mula doon, sina Lacuna at Servo ay naglakad patungo sa sattelite office ng COMELEC sa SM Manila kung saan sila naghain ng kanilang COCs, at sila ay sinamahan ng kanilang anim na Congressional candidates na kinabibilangan nina comebacking first district Congressman Manny Lopez at incumbents Rolan Valeriano (2nd district), Joel Chua (3rd district), Edward Maceda (4th district), Irwin Tieng (5th district) at Benny Abante (6th district). Lahat sila ay reelectionists maliban kay Maceda, na papalitan ng kanyang maybahay na si Dr. Giselle dahil sa pagtatapos ng kanyang three-term limit.


Kasama rin nina Lacuna at Servo ang mga kandidatong konsehal na bumubuo ng majority sa Manila City Council.

Lahat sila ay tumatakbo sa ilalim ng ruling local party sa Maynila, ang Asenso Manileño, na nakopo ang lahat ng local elective posts noong 2022 elections.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like