Latest News

Pinupunasan ni Mayor Honey Lacuna ang luha ng isang senior citizen na naiyak sa pagtanggap ng Christmas food box mula sa alkalde, na sinamahan ni Vice Mayor Yul Servo sa nasabing aktibidad sa Tondo. (JERRY S. TAN)

PAMASKO SA MGA MANILENYO, SINIMULAN NA NINA MAYOR HONEY AT VICE MAYOR YUL

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagdiriwang ng Pasko sa Maynila nitong Huwebes, Disyembre 1, sa pamimigay ng Christmas food packs sa mga residente ng lungsod. Nabatid na aabot sa 695,000 Christmas food packs ang ipapamahagi sa mga residente bilang regalo ng lokal na pamahalaan ngayong Pasko.

Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasama si Vice Mayor Yul Servo-Nieto at barangay chair Evelyn de Gyzman ang pamamahagi ng mga food boxes kasunod ng pag-inspeksiyon sa mga bodega kung saan nakaimbak ang mga ipapamahaging food packs para sa mga Manilenyo.

Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna ang Christmas gift-giving ng lungsod sa Tondo, kasama si Vice Mayor Yul Servo at (kaliwa) barangay chair Evelyn de Guzman. (JERRY S. TAN)

Ang pormal na pagsisimula ng Christmas gift-giving ng lungsod ay isinagawa sa Barangay 128 sa Tondo at maliban pa sa mga food boxes na nakalaan sa lahat ng pamilya sa Maynila, mayroon ding special gift packs na inihanda para sa mga senior citizens na nasa 160,000 ang kabuuang bilang.

Ayon kay Lacuna, lahat ng pamilya , mayaman man, middle-income o mahirap ay tatanggap ng food boxes kung saan ay sinigurado niyang walang pamilyang matutulog sa Pasko na walang laman ang tiyan at paniguradong masisiyahan dahil may pagsasaluhan sa tradisyunal na Noche Buena.

Nabatid sa spokesperson ng alkalde na si Atty. Princess Abante, na ang bawat isang Christmas food boxes ay naglalaman ng rice, corned beef, spaghetti noodles at sauce, cheese, milk at fruit cocktail.

Inatasan ni Lacuna ang tanggapan nina City Engineer Armand Andres, social welfare department chief Re Fugoso, Manila Traffic and Parking Bureau head Zenaida Viaje at department of public services chief Kayle Nicole Amurao na siyang mamahala sa distribusyon ng nasabing food boxes sa may 896 barangays sa Maynila.

Kaugnay nito ay umapela ang lady mayor sa lahat ng opisyal ng barangay na tiyaking maipamahagi agad sa mga pamilya na kanilang nasasakupan ang Christmas food boxes sakaling matanggap na ito ng kani-kanilang barangay.

“Ating inatasan ang mga kaukulang departamento upang agarang maihatid itong simpleng Pamaskong handog namin sa bawat pamilyang Manilenyo,” sabi ni Lacuna.

Ayon pa sa alkalde ay inaasahan niya na ang mga Christmas food boxes ay makakarating maging sa pinaka-depressed na bahagi ng lungsod upang tiyakin na may pagkain nakahain sa kanilang hapag pagsapit ng Bisperas ng Pasko at mismong Araw ng Pasko.

Ayon naman kay Fugoso, ang gift-giving activity ay isang simpleng paraan ng pamahalaang lungsod na tiyaking may handa ang mga walang kakayahang bumili upang may pagsaluhan ngayon panahon ng Kapaskuhan.

“Gusto namin na ang buong ka-Maynilaan, maramdaman naman ang sirit ng Christmas. Kahit paano, sa Kapaskuhan, mayroon kayong pagsasaluhan ng inyong mga kaanak…pagdamutan n’yo ang aming munting regalo..Merry Christmas and a Happy ‘Yul’ year,” pahayag ni Lacuna sa mga Tondo recipients. (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read