Sina Mayor Honey Lacuna at OSCA head Elinor Jacinto habang pinag-uusapan ang nakatakdang pamamahagi ng dobladong monthly allowance para sa senior citizens ng Maynila.

PAMAMAHAGI NG DOBLADONG SENIOR ALLOWANCE SA MAYNILA, ARANGKADA NA SA MARSO 10

By: Jerry S. Tan

Aarangkada na ngayong March 10, 2025 (Lunes) ang pamamahagi ng dobladong buwanang ayuda ng administrasyong Mayor Honey Lacuna sa may 200,000 senior citizens sa Maynila.

In the city of Manila will begin receiving their doubled monthly allowance.

Tiniyak ni Mayor Honey Lacuna sa senior citizens na di gaya ng nakalipas na administrasyon kung saan ang pagkuha ng allowance ay ginawang komplikado para sa senior citizens, ang proseso ngayon ay mas mabilis at walang anumang hassle o hirap.


Ayon kay Lacuna, ang senior citizens ay maaring kumuha ng kanilang allowance na P3,000 kada isa para sa first quarter ng taon o para sa mga buwan ng mula January hanggang March, sa pamamagitan ng cash payout na isasagawa ng mga barangay.

“Simula po ngayong buwan ay hindi na mahihirapan sina lolo’t lola sa pag- claim ng kanilang quarterly allowance dahil sa mismong barangay hall na po ito kukunin. Buo po ang ating tiwala sa ating mga katuwang sa barangayan. Hindi na po nila kailangang mag-alala kung saan may ATM machine o kung nakalimutan man ang password ng kanilang mga card,” ani Lacuna.

“Tao sa tao na po ang transaksyon natin ngayon para siguradong makukuha nila agad ang dobladong allowance,” dagdag pa ni Lacunam, na nagsabing matapos makuha ang allowance, ang mga senior citizens ay maaring magtungo sa mga health center na pinakamalapit sa kanilang barangay hall upang kumuha naman ng mga libreng gamot.

Nagpapasalamat si Lacuna sa barangay officials at health center workers na tumutulong at sumusuporta upagn tiyaking matagumpay ang pagbibigay ng seniors’ payout at medical services.


Magugunita na nitong nakaraang October ay pinirmahan ni Lacuna ang isang ordinansang nagdo-doble sa allowance ng senior citizens mula P500 patungong P1,000 kada buwan, kung saan pinantayan ng lungsod ang P1,000 monthly pension na ibinibigay ng national government sa indigent senior citizens sa pamamagitan ng DSWD.

Ikinalungkot ni Lacuna na matagal na sanang naibigay ang dobladong allowance kung hindi nabaon sa P17.8 billiong pagkakautang ang Maynila gawa ni Isko Moreno.

Ang allowance ng senior citizens ay bahagi ng social amelioration program na ipinasa ng Manila City Council nang si Lacuna pa ang Presiding Officer na kasabay niyang hinawakan bilang vice mayor noon. Kasama din sa binibigyan ng monthly allowances sa ilalim ng programa ang persons with disability, solo parents at mga mag-aaral mula sa dalawang unibersidad na pinatatakbo ng Maynila, ang Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read