Sina Mayor Honey Lacuna at First Lady Liza Araneta-Marcos kasama sina (mula kaliwa) Councilors Apple Nieto, Fa Fugoso, Maile Atienza, Lou Veloso at Rod Lacsamana, at sina (kanan ni Lacuna) Manila Congressmen Joel Chua at Roland Valeriano ng 3rd at 2nd districts. Nasa larawan din si (kanan) Vice Mayor Yul Servo at (ikatlo mula kanan) MMDA Chairman Romando Artes.

PAGLAHOK AT SUPORTA NI FL LIZA MARCOS SA 50TH MMFF, PINURI NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Nagpahayag ng papuri si Manila Mayor Honey Lacuna sa aktibong paglahok at suporta ni First Lady, Atty. Louise “Liza” Araneta-Marcos sa ginanap na pagho-host ng Maynila sa ‘grand launching ‘ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall nitong Martes ng gabi

Kaugnay niyan ay minit na tinanggap ni Lacuna at ng lungsod si First Lady Marcos, pati na ang mga panauhin na kinabibilangann nna Metro Manila Development Authority chairman, Atty. Romando Artes at mga miyembro ng Executive Committee ng MMFF, kasabay ng pahayag na ang mga mamamayan ng Maynila ay labis ang kasiyahan sa pagiging venue ng 50th edition o golden anniversary ng MMFF.

Kasama ni Lacuna sa pag-welcome ng First Lady sina Vice Mayor Yul Servo Nieto, MMDA Chairman Romando Artes, Congressmen Joel Chua at Roland Valeriano, Councilors Fa Fugoso, Lou Veloso, Apple Nieto at Maile Atienza at iba pa, mga miyembro ng MMFF Executive Committee, pati na ang mga city officials.


“Buong kasabikan at kasiyahan naming binubuksan ang pintuan nitong Manila City Hall upang tanggapin ang Metro Manila Film Festival sa taong ito dahil dito naman sa Maynila nagsimula ang lahat,” ani Lacuna.

“Buong kasabikan at kasiyahan naming binubuksan ang pintuan nitong Manila City Hall upang tanggapin ang Metro Manila Film Festival sa taong ito dahil dito naman sa Maynila nagsimula ang lahat,” ani Lacuna.


Sa kanyang mensahe ay ginunita ni Lacuna na noong 1966, sa panahon ni dating Mayor Villegas, ang ‘mother’ ng lahat ng film festivals ay itinatag sa bansa.

Kilala noon bilang “Manila Tagalog Film Festival” o “Manila Film Festival,” ang nasabing okasyon ay nakatuon sa pagbibigay sa mga local producers at film makers ng pagkakataon upang maipakita ang kanilang mga obra maestra sa mga pangunahing theaters at sinehan na noon ay laging pinaglalabasan ng mga English movies na ginawa ng mga foreign producers


Ang nasabing festival ay ginagawa noon tuwing June 12 hanggang June 24, kung saan puro local films ang ipinalabas sa mga sinehan, hanggang sa ang Manila Film Festival ay lumawak at naging Metro Manila Film Festival, kung saan ang lahat ng entries ay di lamang sa Maynila kundi sa buong Metro Manila na ipinalalabas.

“Noon ngang 1984, mayroong espesyal na award na tinaguriang Gat Antonio Villegas Cultural Award, bilang pagpapahalaga sa itinuturing na ama ng Manila Film Festival. Ang nasabing special award ay ipinagkakaloob sa pinaka-natatanging pelikulang nagtatampok sa kulturang Pilipino at nagpapakilala sa katangiang Pinoy sa buong mundo” pagbibigay-diin nito

“Limang dekada na ang paglulunsad ng Metro Manila Film Festival, at ngayong taon nga ay ibinabalik ito dito sa Maynila para sa kanyang golden edition. Maraming salamat MMDA at sa bumubuo ng MMFF Executive Committee,” pahayag ni Lacuna.

Dagdag pa ng alkalde: “Higit pang nabigyan ng kulay at sigla itong festival dahil sa aktibong pakikilahok at suporta ng ating first lady, Atty. Liza Araneta-Marcos. Nais ko rin pong kunin ang pagkakataong ito upang pormal na i-welcome dito sa Lungsod ng Maynila ang ating unang ginang.”

“Sa lahat ng mga kasaling pelikula sa taong ito, good luck and congratulations! Para sa ating lahat na mga Pilipino, bigyan natin ng ibayong pagpapahalaga ang mga gawang sariling atin, ang mga obra ng kapwa nating Pilipino. Muli, welcome po kayo dito sa Maynila,”ayon pa kay Lacuna.

Sa nasabing pagtitipon kung saan ang mga nagsilbing hosts ay sina Jake Ejercito at Isabelle Daza, ang unang batch ng entries ay inanunsyo di.

Napag-alamann na kabilang din sa mga aktibidad kaugnay ng MMFF golden anniversary ang classic poster murals, 50-peso film showing of different Filipino films, masterclasses para sa senior high school at college students pati na rin ang international Filipino screenwriters, producers at animators.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read