Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo habang binibisita ang isang bedridden senior citizen bilang bahagi ng kanilang "Kalinga sa Maynila" forum. (JERRY S. TAN)

Paglaan ng oras sa seniors at bedridden, panawagan ni Mayor Honey sa mga doktor sa Maynila

Hinihikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga doktor na naglilingkod sa lungsod na maglaan ng oras o gamitin ang kanilang bakanteng oras upang dalawin ang mga senior citizens at mga residenteng may sakit na hindi na kayang pumunta ng ospital para magpagamot.

Mismong si Lacuna, na isa ring doktor, ay ginagawa ang regular na ‘door-to-door visits sa mga seniors at bedridden’, kung saan nagbibigay ang alkalde ng free consultation, medical assistance, wheelchairs kung kinakailangan at iba pa.

Ang pagbisita sa mga residenteng bedridden ay regular na ginagawa ni Lacuna bilang bahagi ng ‘Kalinga sa Maynila’ forum, kung saan kasama niya sina Vice Mayor Yul Servo-Nieto, Congressmen at City Councilors na kumakatawan sa distrito kung saan ginagawa ang forum, pati na rin ang ilang opisyal ng City Hall.


Ani Lacuna, nakababahala na may mga senior citizens at bedridden patients ang hindi na nagtutungo sa ospital at nagse-self-medicate na lang o di kaya ay itinutuloy lang ang mga gamot na una nang inireseta sa kanila kahit matagal na..

“Lagi kong hinihikayat na sila ay magpa-checkup dahil kadalasang nangyayari na di na sila nakakabalik na sa ospital so kung ano ang iniinom nilang gamot, kahit di na sila nagpapa-checkup tinutuloy na lang nila di na sila nagpapacheckup. ‘Wag po natin gagawin ‘yun. Ang pinakamainam po nating gawin, tiyagain po natin dalhin natin ang mga kamaganakan sa mga health center pacheckpp natin tutal minsan lang naman ‘yan baka kailangan na palitan ang kanilang gamot o baka di na akma sa kanila o baka may kailangang gawing laboratoryo para sa kanila,” ani Lacuna. (JERRY S. TAN)

Tags: Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read