Latest News

Ipinagmalaki ni Mayor Honey Lacuna ang pagkilala ng ibang bansa sa UdM sa ilalim ng pamumuno ng pangulo nitong si Felma Carlos-Tria. Kasama sa larawan si Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

PAGKILALA SA UdM SA ILALIM NI PREXY TRIA, IPINAGMALAKI NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INIHAYAG ni Mayor Honey Lacuna ang pagmamalaki sa panibagong pagkilalang tinanggap ng Universidad de Manila (UdM) nang maimbitahan ang presidente nitong si Felma Carlos-Tria bilang una at tanging babaeng pinuno ng isang educational institution sa bansa na kumatawan at magsalita sa 11th World Women University Presidents Forum (WWUPF) na ginanap sa China.

UdM President Felma Carlos-Tria, the first and only female head of an educational institution in the country to have been invited to speak at the 11th World Women University Presidents Forum (WWUPF) held in China.

Ani Lacuna, muling pinatunayan ng UdM na ito ay kapantay na sa antas, sa maraming uri ng aspeto ng mga pribadong pamantasan sa bansa. Ang UdM ay pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa ilalim ng administrasyon ni Lacuna at ito ay nagkakaloob ng libreng ‘tertiary education’ sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa Maynila na hindi kayang tustusan ang mataas na gastusin ng pagko-kolehiyo.

Napag-alaman na si Tria ay kumatawan sa kabisera ng bansa sa nasabing forum na ginanap mula May 25 hanggang 29, 2024 at ayon sa mga forum organizers, si Tria ang unang Pilipinang delegado na kumatawan sa bansa sa kasaysayan ng WWUPF.

Sa ilalim ng temang: “Multicultural Backgrounds and Common Development: The Responsibility of Higher Education Leaders,” ang nasabing forum ay ginawa sa Huanghe S&T University sa Zhengzhou, Central China’s Henan Province, na siya ring nag- organisa ng naturang forum ngayon taon.

Mahigit na 200 kinatawan mula sa 60 bansa sa rehiyon ang dumalo sa forum kung saan naging tampok ang mga keynote speeches, special fora at round-table discussions na mayroong limang sub-topics na kinabibilangan ng: Higher Education Openness and Civilization Continuity; Common Vision of Humanity and General Education; Evolution of Intelligent Society and Educational Forms; Sharing of School-running Experience at Educational Wisdom and Multicultural Backgrounds and Female Leadership.

Ang Communication University of China, na kilala bilang Beijing Broadcast Institute, ang nagpasimula ng World Women University Presidents Forum (WWUPF) noong August 2001. Hangarin nito na magkaroon ng leverage sa kolektibong lakas ng mga kababaihang pangulo ng pamantasan sa buong mundo, kung saan iniaalok din ang international platform para sa pakikipagtalastasan, pagtutulungan at pagpapalitan ng mga bagong ideya at ‘insights’ sa larangan ng higher education development at sa pagtataguyod ng liderato ng mga kababaihan.

Ang main forum ay ginagawa sa China kada dalawa o tatlong taon at sinasabayan ng global sub-forums. Sa 24-taong kasaysayan nito ay nakapag-convene na ng 11 main forums at 11 sub-forums, kung saan nagawang tipunin ang 2,000 women university presidents mula sa 120 bansa at mga rehiyon.

Dahil sa kontribusyon at kahalagahan nito sa higher education development, pagsulong ng liderato ng mga kababaihan at international educational exchanges, ang nasabing forum ay naging isang ‘highly-influential platform’ para sa global higher education community.

Tags:

You May Also Like

Most Read