Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Manila North Cemetery director Yayay Castaneda habang inaalam ang sitwasyon sa MNC.

PAGHAHANDA SA SEMENTERYO PARA SA UNDAS, PWEDE HANGGANG OKT. 29

By: Jerry S. Tan

Bunga ng ilang araw na walang pasok dahil sa bagyong “Kristine,” inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang deadline na itinakda ng pamahalaang -lungsod sa publiko para maglinis ng libingang ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North Cemetery (MNC) ay iniurong na sa October 29, 2024.

Ayon sa alkalde, ang advisory ay nauna nang inilabas noong unang linggo pa lang ng Oktubre o higit na mas maaga sa petsa ng paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day tuwing Nobyembre 1 at 2, upang mabigyan ang publiko ng sapat na panahon para maglinis ng libingan ng kanilang mga mahal sa buhay.


Ang MNC na pinamumunuan ni Director Yayay Castañeda ang siyang pinakamalaking sementeryo sa bansa ay may pinakamaraming naitatalang bisita lalo na kapag November 1 and 2, taon-taon.

Ayon kay Castaneda, ang tanggapan ng MNC ay sarado mula October 27 hanggang November 3, 2024 at lahat ng serbisyo kabilang ang cremation at libing ay sa November 4 na ibabalik.

Mula October 30 hanggang November 3, ang main gate ng sementeryo ay bukas mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi lamang.


Samantala, nanawagang muli si Lacuna sa publiko na sundin ang karaniwang ipinagbabawal upang makaiwas sa aberya.

Tuwing Undas, ipinagbabawal sa loob ng sementeryo lahat ng nakalalasing na inumin pati na mga alagang hayop, flammable materials tulad ng thinner at pintura, baril, kutsilyo o mga katulad na bagay, mga paraphernalia para sa sugal at pagpatugtog nang malakas.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like