NADISMAYA si Manila City Administrator Felix Espiritu sa tangkang palabasin na kinaladkad ni Mayor Isko Moreno ang pangalan ni Mayor Alfredo S. Lim sa isyu ng kontratang pinasok ng lungsod noong 1992 sa isang kumpanya na nagtayo ng Divisoria Mall, na ayon sa kanya ay ‘tied the hands’ ng lungsod at wala ng ibang paraan kundi ibenta ang property dahil ito ay ‘underperforming asset’ dahil na rin sa kontrata.
Sinabi ni Espiritu na wala ni isa man sa City Hall, lalo na si Moreno na binaanggit si Lim sa mga interviews o press releases na ipinalabas kaugnay ng nasabing isyu dahil wala naman siyang kinalaman sa usaping nabanggit.
Ayon kay Espiritu, tanging ang dating mayor na si Gemiliano ‘Mel’ Lopez, Jr., kung saan ang anak na si Alex ay tumatakbong mayor ng Maynila at ang kampo nito ang nagbanggit na ang kanyang ama ang siyang pumasok sa nasabing kontrata na nauwi sa bentahan ng Divisoria property.
“The City has no intention to malign the reputation of the former Mayor Gemiliano “Mel” Lopez, Jr., believing that his intention was for the best interest of the city at that time, without expecting the repercussions in the future. However, due to the malicious and baseless insinuations and accusations of Mr. Alex Lopez in trying to project himself as more pious than the Pope, we have no alternative, but to reveal the contract entered into by his father, which eventually forced the Asset Management Committee (AMC) to recommend the disposition of the subject property, being the least beneficial to the City,” giit nito.
Ang nasirang Lopez, ayon kay Espiritu ang siyang pumasok sa kontrata sa Linkworld Construction and Development Corporation noong March 13, 1992, para upahan ang 8,000 square-meter Divisoria property sa presyong napakababang P20 per square meter per month,sa loob ng 25 taon, at may 10 percent taas sa upa kada tatlong taon. Dahil ito ay ‘perfect contract,’ ang mga sumunod na adiministrasyon ay walang nagawa kundi igalang ito.
Sa loob ng 25 taon ang lungsod ay nakakolekta lang ng P57 million o mas mababa pa sa P3M kada taon, hindi pa binanggit dito na sinasabi rin sa kontrata na pinapayagan ang developer (Linkworld) na magtayo ng multi-level na commercial establishment na kilala ngayon bilang Divisoria Mall habang ang palengke ay inilagay nila sa basement na mas mababa sa street level.
Nang maganap ang pandemya, sinabi ni Espiritu na gumawa ang AMC ng inventory ng mga patrimonial properties sa City of Manila at inirekomenda ang pagbebenta ng Divisoria property, dahil sa ito ay nakita bilang ‘underperforming’ asset. Ito ay upang makalikom ng pondong gagamitin sa pagtugon sa pandemya kabilang na ang tulong para sa 700,000 pamilyang naninirahan sa Maynila.
Base sa on rekomendasyon ang city council ay gumawa ng resolusyon na nagbibigay kapangyarihan sa lokal na pamahalaan na pumasok sa isang kontrata sa kahit na anong korporasyon para sa bentahan ng nasabing ari-arian sa ilalim ng terms at conditions na advantageous sa City of Manila.
Sinabi ni Espiritu na walang kinalaman si Mayor Lim sa nasabing kontrata na pinasok ng Lopez administration. Tinira din ni Espiritu si Congressman Manny Lopez na nag-akusa sa alkalde na nililihis ang tanong “by imputing malice on the acts of former Mayor Fred Lim or former Mayor Mel Lopez.”
“If there is anyone imputing malice here, it is Rep. Lopez. Dragging the name of Mayor Lim unjustly is a form of deflecting the fact that it was solely his father who entered the 25-year contract which left the city’s hands tied against increasing rentals that led to the Divisoria property falling into the list of least beneficial patrimonial properties thus justifying its disposition,” Espiritu sabi ni Espiritu.
Ang pondong nakuha mula sa bentahan ng nasabing property ay ipinondo sa pagpapatayo ng 344-bed COVID-19 Field Hospital, free RT-PCR tests para sa Manilans at non-Manilans, equipments para sa city hospitals upang matugunan ang COVID-19, storage facilities para vaccines at buwanang ‘ayuda’ para sa 700,000 pamilya at iba pa.
Ang bentahan ayon pa kay Espiritu ay “aboveboard at kahit sinong accountant or COA can attest to the validity of the sale. Pati presyo, attested by COA.” (TSJ)