Latest News

(left) Jose Ma. D. Belmonte, Project Head of the Manila Clock Tower Museum and main tour guide Marielle Patricia San Juan accompany former Vice President Jejomar Binay who paid the museum a visit. (JERRY S. TAN)

PAGBISITA NI DATING VICE PRESIDENT BINAY SA MANILA CLOCK TOWER MUSEUM, IKINAGALAK NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Naghayag ng pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna si dating Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay,, Sr. sa pagpapakita nito ng interes sa Manila Clock Tower Museum nang dumalaw ito doon kamakailan lamang.

Ikinatuwa umano ng alkalde ang pangyayari nang mapag-alamang bumisita si Binay at nasaksihan mismo nito kung ano ang inaalok ng museum sa mga bisita at kung bakit ito naging tourist destination ng lungsod.

Si Binay ay sinalubong at binigyang-giya ng mga kawani ng Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila (DTCAM) na sina Jose Ma. D. Belmonte, Project Head ng Manila Clock Tower Museum at main tour guide Marielle Patricia San Juan.

Kamakailan lang, ang nasabing museum ay kinilala bilang Golden LEAF Presidential Awardee ng ‘Philippine LEAF Awards Tertulia at Parangal 2024’, isang award na kumikilala sa integridad, creativity at excellence sa Philippine live entertainment, performing arts, fashion and festivals. Ang ‘LEAF Awards Tertulia at Parangal’ ay nakatakdang ganapin sa February 8, 2024, na isang red carpet event simula 1 p.m. sa iconic Manila Metropolitan Theater.

Bago nuyan, nitong Nobyembre 2023, ang museum ay kinilala din ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) bilang grand winner sa MGM 2023 AVP Museum Competition.

Ang Manila Clock Tower, na natapos noong 1930, ay dinisenyo ng Filipino Neoclassical artist and architect na si Antonio Toledo.

Dahil sa pandemya, ang dapat sana ay opening sa publiko ng rehabilitated clock tower at nausyami. Hanggang sa matuloy ito noong October 2022.

Ito ay pormal na pinasinayaan at binuksan sa publiko ni Lacuna at tourism chief Charlie Dungo at inilunsad bilang major tourist attraction at historic landmark at matatagpuan sa loob ng Manila City Hall.

Bukas ito tuwing weekdays, mula 10 a.m. hanggang 5 p.m. at dito ay makikita ang makulay na kasaysayan ng Maynila pati na ang modern art galleries changing art exhibits. Ito ay may taas na 100 feet at itinuturing na pinakamalaking clock tower sa buong bansa.

Tags:

You May Also Like

Most Read