Latest News

Ilang beses nagbiro si Mandaluyiong Mayor Benjamin Abalos, Sr. sa kanyang pagdalo bilang guest sa "MACHRA Balitaan' forum ng Manila City Hall Reporrters' Association sa Harbor View Restaurant. Kasama sa larawan sina (kaliwa) MACHRA President Itchie G. Cabayan at Vice President Andi Garcia. (JERRY S. TAN)

PAGBIBITIW NI VP SARA, NAKINI-KINITA NA; POGO BAN WA EPEK NA SA MANDALUYONG–MAYOR ABALOS

By: Jerry S. Tan

Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr. na ‘nakita’ na niya di pa man nangyayari ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Department of Education Secretary at Vice-Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil wala umano itong ibang alternatibo kundi ang gawin iyon.

Sa kanyang pagdalo bilang guest sa ‘MACHRA Balitaan’ na buwanang idinaraos ng Manila City Hall Reporters’ Asociation sa Harbor View Restaurant, sa Maynila, sinabi ni Abalos na nakini-kinita na niya ang pagbibitiw ni VP Sara sa gabinete dahil na rin sa nagaganap na sigalot sa pagitan ng kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte at mga kapatid sa isang banda at ni Pangulong Marcos na kaalyado naman niya sa pulitika.

“I have foreseen that…Nakakaawa naman siya (VP Sara). Siyempre, between your father and your family and your loyalty to the party, ‘yun ang nangyari sa kanya so, she has no alternative but to resign,” ani Abalos.

Ayon pa sa dating chairman ng Commission on Elections (Comelec) at MMDA, matapos ang pagbibitiw ni Duterte sa mga nasabing posisyon ay tiyak na magkakaroon ng ‘realignments’ sa mga susunod na araw.

Gayunman, sinabi nito na kahit walang naganap na pagbibitiw, talagang magkakaroon ng realignments dahil ang pagsasanib-puwersa aniya ni VP Sara at ni PBBM noong nakaraang eleksiyon ay pansamantala lamang.

“Magkakaroon siyempre ng realignments although as a matter of fact, even without this, sigurado yan meron tayong realignments … temporary lang naman ang union nung nakaraan. Kitang-kita naman natin na me kanya-kanya. Ganyan naman talaga ang politics, no permanent friends or enemies,” paliwanag ni Abalos.

Samantala, inihayag ni Abalos na walang magiging epekto sa Mandaluyong City kung matuloy ang panukala ng China Embassy na tuluyan nang ipagbawal sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Aniya, matagal nang walang pakinabang ang lungsod mula sa mga lehitimo o lisensiyadong POGO operations noon pa mang tumama ang pandemya sa bansa, kasabay ng panghihinayang na di na nakabalik ang mga ito matapos ang pandemya.

Ukol sa mga krimen na bunga ng POGO operations, sinabi ni Abalos na: “lahat naman ng negosyo may kalokohan. It is just a matter of policing.”

Nagkaroon din umano ng POGO sa Mandaluyong pero hindi sila nagka-problema sa mga ito.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read