Latest News

Inanunsiyo ni Mayor Honey Lacuna na sisimulan ng lungsod, sa pamamagitan ng Manila Health Department na pinamumunuan ni Dr. Arnold 'Poks' Pangan, ang pagbabakuna ng bivalent sa mga senior citizens at health workers at gagawin ang bakunahan sa 44 health centers. (JERRY S. TAN)

PAGBAKUNA NG SENIORS AT HEALTH WORKERS SISIMULAN NGAYONG LUNES SA HEALTH CENTERS

By: Jerry S. Tan

Sisimulan na ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang pagtuturok ng bivalent vaccines para sa A1 (healthcare workers) at A2 (senior citizens) ngayong araw ng Lunes, Hulyo 10, 2023.

Sa isang advisory, sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ang Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ay mag-uumpisa nang magturok ng Pfizer COVID-19 bivalent vaccines para sa nasabing priority groups.

Binigyang diin ng alkalde na ang bivalent vaccine ay ibibigay lang sa mga nakakumpleto ng primary COVID-19 vaccination at ng kanilang first at second booster.

Ayon kay Lacuna, ang paunang rollout ng bivalent vaccines ay ginawa sa anim na city-owned hospitals ng Maynila sa mga health workers at ngayon ay gagawin na rin ito sa 44 health centers sa lungsod kung saan ang mga senior citizens ay maaari na ring maturukan ng bivalent vaccine.

Ipinaliwanag ni Lacuna, na isang doktor, na kailangang naka-dalawang booster shots na ang ttanggap ng bivalent vaccine dahil ito ay itinuturing na third booster.

Ayon pa kay Lacuna, ang city government ng Maynila ay pinapanatili ang ‘open policy,’ ibig sabihin, maging hindi nakatira sa Maynila ay maaaring makapag-avail ng shots kapag sila ay kabilang sa eligible groups na kwalipikado ng national government.

Matatandaan na noong nagsimula ang rollout ng bivalent vaccines ay inihayag ni Lacuna na mababa ang ‘turnout’ ng mga nagpabakuna at ito ay dahil na rin sa pagluwag ng mga restrictions at pag-alis ng public health emergency status ng World Health Organization.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ang alkalde sa mga health frontliners at lalo na sa mga senior citizens ng Maynila na magpaturok ng bivalent vaccine tulad ng kanyang ginawa dahil ito ay magdudulot ng karagdagang proteksyon para sa kanila ng sariliat sa kanilang pamilya.

Sa kaso ng health workers,ito ay magbibigay ng karagdagang proteksyon para na rin sa kanilang mga pasyenteng hinahawakan sa araw-araw na pagganap sa tungkulin.

Tags:

You May Also Like

Most Read