Latest News

Inihayag ni Mayor Honey Lacuna ang mga pagbabawal kaugnay ng pagsasagawa ng bar exams ngayong buwan ng Setyembre. (JERRY S. TAN)

PAGBABAWAL SA ALAK, AMBULANT VENDORS, MAIINGAY NA AKTIBIDAD MALAPIT SA BAR EXAM SITES, SINIMULAN NA

By: Jerry S. Tan

Sinimulan na nitong Linggo ng madaling araw ang ilang mga pagbabawal sa lungsod ng Maynila sa panahon ng bar examinations, kabilang na dito ang alak, ambulant vendors, pag-iingay at lahat ng uri ng gawain na maaring makakagulo sa bar examination tulad ng mass gatherings, parades, ‘salubong’, parties at mga katulad na gawain tuwing ‘bar ops’ na maaring lumikha ng ingay at makagulo/

Ang mga pagbabawal ay pinaiiral sa loob ng 500-meter radius mula sa lugar kung saan ginaganap ang bar exams tuwing weekend simula September 16.

Ayon sa tagapagsalita ni Manila Mayor Mayor Honey Lacuna na si Atty. Princess Abante, nilagdaan ng alkalde ang Executive Order No. 24 na nagpapatupad ng mga nasabing pagbabawal sa para ‘peaceful and orderly 2023 bar examinations’ sa mga tukoy na petsa.


Sakop ng mga pagbabawal ang paligid ng University of Sto.Tomas sa Espana at San Beda sa Mendiola na kapwa nasa Maynila.

Nagsimula ang pagbabawal hatinggabi ng September 16 hanggang 10 p.m. ng September 17 at ng kaparehong ban ay muling ipapatupad hatinggabi ng September 19 hanggang 10 p.m. ng September 20 at hatinggabi ng September 23 hanggang 10 p.m. ng September 24.

Sa kaso ng mga ambulant vendors, ang pagbabawal ay epektibo sa pareho ding araw at magtatagal hanggang hatinggabi ng September 18, 21 at 25.

Sakop naman ng ‘noise control and mitigation measures’ ang mga videoke, karaoke, malakas na sound systems, speakers at mga equipment na lumilikha ng malalakas na ingay o sounds, maging ito man ay manual, electrical o mechanical. Kasama rin sa ban ang mga tao o grupo ng mga tao na sobrang ingay at lumilikha ng hindi naman kailangang mga tunog o alarm.


“All violators shall be dealt with accordingly pursuant to existing laws and ordinance of the city of Manila. All concerned departments are directed to ensure the safety and security of all personnel and examinees, with a view to maximize concentration and focus of the barxaminees as they take this milestone in their lives,” ayon sa executive order ni Lacuna.

Ang ‘BarOps (operations) ay ginagawa ng mga student volunteers, kadalasan ay law students, na nagkakaloob ng academic at logistical support sa bar candidates sa tuwing may bar examinations.

Ang suporta ay karaniwang mula sa grupo ng mga well-wishers na bumabati sa mga examinees na kadalasan ay may kasamang iba’t-ibang uri ng kasayahan.


Tags:

You May Also Like

Most Read