Latest News

Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga punong barangay na i-update ang listahan nila ng mga senior citizens, PWDs at heads of families. (JERRY S. TAN)

PAG-UPDATE NG LISTAHAN NG SENIORS AT PWDS, INIATAS NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INATASAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng pinuno ng 896 barangay sa lungsod na i-update ang listahan nila ng senior citizens, persons with disability at mga padre de pamilya.

Alinsunod diyan ay hinihimok din ng alkalde ang mga miyembro ng nasabing sektor at maging ang mga residente na sila na mismo ang magpunta sa barangay at magpalista upang mapadali ang trabaho ng mga barangay chairman,.

Ayon kay Lacuna, layunin ng nasabing hakbang na tiyaking tama ang lahat ng impormasyon na nasa listahan ng mga barangay.


Aniya, malaking tulong sa lungsod kung ma-update ang nga naturang listahan dahil kailangan ito ng pamahalaang-lokal bilang gabay sa pagpapatupad ng social amelioration program (SAP) at upang maisama na rin ang lahat ng kwalipikado na hindi pa napapasama dahil hindi updated ang mga listahan.

Sa ilalim ng SAP, ang pamahalaang-lokal ng Maynila ay nagkakaloob ng buwanang tulong-pinansiyal sa senior citizens, solo parents, PWDs at university students upang makadagdag kahit paano sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan.


Sinabi ni Lacuna an may mga natatanggap na ulat ang kanyang tanggapan na ang ibang kasama sa kasalukuyang listahan ng beneficiaries ay pumanaw na o di kaya ay lumipat na ng tirahan at hindi na taga-Maynila.

Kapag na-update na ang listahan, maari na din umanong maisama ang mga bagong senior citizens,solo parents at PWDs na tunay na taga-Mayila.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read