P50-MILYONG PABUYA, INILAAN NG DILG SA ULO NI SEN. BATO DELA ROSA NA ITINUTURING BILANG ‘ARMED AND DANGEROUS’

By: Jesse Ruiz

INIHAYAG kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglaaan ang kagawaran ng P50 milyong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kasabay ng pahayag na siya ay itinuturing nang armado at mapanganib o “armed and dangerous.”

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang hakbang na ito ay bunsod ng pag-iwas at patuloy na pagtatago ng mambabatas mula sa mga awtoridad.


Kaugnay ito ng umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) para sa mga paratang ng ‘crimes against humanity’ kaugnay ng madugong kampanya kontra-droga ng nakaraang administrasyon.

Sa naunang pahayag ni SILG Remulla, kinakanlong umano ng isang maimpluwensyang tao na may mga armadong tauhan si Dela Rosa at posibleng dumanak ng dugo sakaling puwersahang dakpin ang puganteng senador.

Mariing nagbabala ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na mahaharap sa mabigat na kaso at kaukulang parusa ang sinumang indibidwal na mapapatunayang kumakanlong o nagtatago sa senador.


Kasalukuyan nang nakatutok ang pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad sa isinasagawang ‘manhunt operation’ upang tuluyang maaresto si Dela Rosa.

Ayon kay Remulla, ang hakbang na ito ng pamahalaan na pag aalok ng ?50 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magtuturo sa kaniyang kinaroroonan at magiging daan sa kaniyang pag-aresto ay para mapabilis ang pagdakip o pagsuko ni dela Rosa sa mga awtoridad.


Pinaalalahanan din ng kagawaran ang mga ahensya na pagpapatupad ng batas, ukol sa umiiral ang mga mahigpit na protocol para sa mga indibidwal na may katulad na estado, lalo pa’t nakansela na ang mga lisensya ng kaniyang mga baril.

Babala ng PNP, mahaharap sa kaukulang kaso at parusa ang sinumang mapapatunayang nagtatago o kumakanlong sa puganteng mambabatas kaugnay sa naunang pahayag ni Remulla na ang nagkakanlong kay Bato ay may libong armadong tauhan.


Anang kalihim, “if the Philippine government could go hard on arresting Senator Bato, at least 10,000 people could die kasi po dahil siya ay protektado ng isang makapangyarihan, may pera at armadong grupo sa Mindanao.”

Nag-anunsyo umano ang PNP at DILG ng pitong araw o isang linggong palugit o ultimatum para kay Dela Rosa upang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

Mariing nagbabala ang PNP na sakaling mabigo ang senador na sumuko sa loob ng itinakdang palugit, mas paiigtingin pa nila ang isinasagawang manhunt operation at mahigpit nilang tutugisin ang sinumang indibidwal na mapapatunayang kumakanlong o nagtatago sa kanya.



Hindi naman naniniwala si Defense Secretary Gilberto Teodoro na may private armed groups o armadong grupo na umaabot sa humigit-kumulang sa sampung libo:“ hindi, hindi, palagay ko taken out of context naman yung ano, ang statement ni Secretary Remulla.”

“Hindi mo naman kailangan ng ganong kalaki na mag-wreak ng havoc, palagay ko yung statement niya is na maraming maaaring masaktan, that’s it pero there are no such armed groups na ganyang kalaki, no way. I do not think that’s what he meant ano,” ani Sec Teodoro.

Una nang nilinaw ni Remulla na nais lamang niya ay magkaroon ng mapayapang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at kay Dela Rosa at sa mga nagkakanlong sa kanya para maiwasang dumanak ang dugo

“But I do not think you know 10,000- man armed group,there’s no such thing,” ani Gibo Teodoro.

Tags: DILG Secretary Jonvic Remulla

You May Also Like

Most Read