Latest News

Inanunsiyo ni Mayor Honey Lacuna ang pagbibigay ng P2,000 dagdag sahod sa mga job order at contractual personnel ng Manila City Hall. (JERRY S. TAN)

P2K DAGDAG-SAHOD SA MGA JOB ORDER AT CONTRACTUAL WORKERS SA MAYNILA, INANUNSIYO NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Honey Lacuna sa Manila City Council sa pag-apruba sa dalawang city ordinances na nagkakaloob ng P2,000 dagdag-sahod sa mga job order at contractual workers ng Manila City Hall.

Ang magandang balita ay ibinahagi ni Lacuna nang pangunahan niya flagraising ceremony sa City Hall nitong Lunes, sa kabila ng pagsuspinde ng Malacanang ng trabaho sa gobyerno dahil kay ‘Enteng.’


“Sila (job orders and contractuals) ‘yung talagang mabibigat ang mga tungkulin at alam nating di sapat ang natatanggap nila buwan-buwan kaya natin itinaas ang sahod nila. Salamat sa ating konseho sa pamumuno ni Vice Mayor Yul Servo para sa agarang pag-approve ng dalawang ordinansa,” ayon kay Lacuna.

Ang nasabing dalawang ordinansa na nagbigay-daan para maitaas ang sahod ng mga contractual at job order workers ay pangunahing iniakda nina Councilors Philip Lacuna, Pamela ‘Fa’ Fugoso at Ernesto Isip, Jr.

“As the cost of goods and services have risen over time, an increase in the compensation of Contract of Service (COS) personnel and job order (JO) workers is necessary to help mitigate the impact of inflation and to enable them to meet their daily basic needs,” pahayag ng tatlong Konsehal sa kanilang explanatory note.


Kabilang sa sakop ng dagdag-sweldo ay ang mga street educators, nursing aides.at trainors ng Manila Department of Social Welfare gayundin ang nga barangay nutrition scholars at barangay health workers mula naman sa Manila health department.

Samantala, ang implementasyon ng ‘first tranche’ ng Modified Salary Schedule para sa local government personnel ay alinsunod sa Executive Order (EO) No. 64, s. 2024 na ipinalabas noong August 2, 2024 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like