Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo habang tinatalakay ang mga isyi sa lungsod nang mag-guest sila sa 'MACHRA Balitaan' forum nitong Martes. (JERRY S. TAN)

P17.8 BILYONG UTANG NA INIWAN NG DATING ADMINISTRASYON SA MAYNILA, BABAYARAN HANGGANG 2044 – MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Ibinunyag ni Manila Mayor Honey Lacuna na aabutin pa ng 20-taon o hanggang taong 2044, bago tuluyang mabayaran ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang P17.8 bilyong utang na minana niya mula sa nakalipas na administrasyon.

Napag-alaman ito nang sa kanyang pagdalo sa buwanang MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant ksama si Vice Mayor Yul Servo, siya ay natanong kung ano na ang estado ng utang ng Maynila.

Ayon kay Lacuna, aabot sa P17.8 bilyon ang iniwang utang ng nakalipas na administrasyon mula sa dalawang bangko, ngunit sa ngayon ay nakapagbayad na ang kanyang administrasyo ng halos P2.5 bilyon.


“‘Yung laki ng utang ng Maynila ay hindi naman kayang tustusan ng pondong meron lamang kami. Napakaraming sabay-sabay ng naging infra dati kaya naapektuhan naman ang kapasidad ng lungsod na tugunan ang mga pangangailangan ngayon,” paliwanag ng alkalde.

Mas nakatuon umano ang kanyang administrasyon sa mga social services na mas higit na kailangan at pakikinabangan ng mas maraming mga residente.


Nagpahayag naman ng kalungkutan ang alkalde dahil gustuhin man nila ay hindi nila madagdagan ang tulong pinansiyal na naipagkakaloob sa mga residente buwan-buwan dahil sa mga utang na dapat nilang bayaran.

Aniya, ang Maynila ay mayroong 203,000 senior citizens; nasa 50,000 persons with disability (PWD) at solo parents at 20,000 student beneficiaries mula sa Grade 12, Universidad de Manila, at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, na pawang tumatanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan buwan-buwan.


“Kung wala sana tayong obligasyong ganyang kalaki, mas marami sana tayong tulong na maibibigay sa mga Manileño, matataasan natin ang pambili ng gamot ng mga seniors man lang,,” ani Lacuna.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read