Nakunan ng closed-circuit television (CCTV) recording sa NAIA Terminal 1 ang isang babaeng personnel ng Office for Transportation Security (OTS) na nilulunok ang 300 US dollar bills na kinuha diumano nito mula sa papaaalis na Chinese pssenger sa isang hakbang na layuning mawala ang ebidensiya matapos magreklamo ang nasabing pasahero matapos idaan ang kanyang bag sa final security check area.

Ito ay lumitaw sa records ng airport authorities, na kinilala ang OTS employe na isang babaeng security screening officer (SSO), habang nakasaad na ang kanyang supervisor at isang x-ray operator ang maari ding may papel sa nasabing insidente.
Batay sa chronological events na nakasaad sa official report at na-capture sa pamamagitan ngf video footages sa departure final screening checkpoint (DFSCP), nag-umpisa ang insidente ng 8:18 p.m. ng September 8, 20233, nang dumating ang complainant, isang Mr. Cai, na nakasuot ng puting polo at asul na maong pants sa departure final checkpoint or DFSCP at inilagay ang kanyang shoulder bag sa isang inspection tray.
May isang minutong lumipas nang dumaan ang pasahero sa Advanced Imaging Technolocy Machine at dinala naman ng SSO ang tray sa inspection table at nagsagawa ng manual search.
Matapos ang inspeksyon, ayon sa report, ang SSO ay tumalikod habang may hawak sa kaliwang kamay na nakasara, bago may inilagay nang mabilisan sa kanyang kaliwang torso o bewang at saka bumalik sa inspection table.
Bumalik ang complainant sa screening area nang madiskubreng bukas ang kanyang pitaka at may nawawalang pera.
Nagsagawa ng subsequent ocular inspection sa DFSCP para sa posibleng pag-recover ng nawawalang pera at upang tiyakin na makita ang lahat ng available CCTV cameras sa paligid ng pinangyarihan ng insidente.
“After documentation, the SSO was referred for further inquiry wherein her MIAA seasonal access pass was confiscated, considering the circumstanes of her suspicious body movements initially seen during the review of the CCTV,” ayon sa report. Pinawalann ang SSO dakong 12:50 a.m. ng September 9 sa kustodiya ng kanyang supervisor.
Nagsagawa ng follow-up ang airport authorities dakong 3 a.m. para i-review ang isa pang CCTV footage at doon ay nakita ang DFSCP mula 8:39 p.m. Nakita doon ang isang komprontasyon sa pagitan ng complainant at SSO, kanyang supervisor, isang passenger service agent, isang lalaking Philippine National Police member at isang taga-Airport Police Department. Isang x-ray operator din ang nakunan na nag-abot ng bottled water sa suspect na SSO na ayon sa awtoridad ay ‘edgy and restless.’
Tumalikod ang SSO at di nito alam na nakaharap siya sa camera, kung saan nakitang nilulunok niya ang mga dollar bills na itiniklop nang maliit para maging isang piraso, habang di alintana ang isang babaeng pasaherong nagtatanong sa kanyang likuran.
Ayon sa report, nakitang nahirapan ang SSO sa paglunok ng dollar bills sa kabila ng tubig na iniabot sa kanya.
Nilapitan umano ng supervisor ang nasabing SSO at nakita silang nag-uusap habang masuka-suka ang SSO at saka ito gumamit ng panyo para takpan ang kanyang bibig.
Ang supervisor was ‘apparently ensuring that the bills are dispatched to preclude any evidence,’ dagdag pa ng report.
Ang complainant na si Mr. Cai ay isinama naman ng airport authorities subalit nang kinokontak na ito kalaunan base sa kanyang complaint form, di na umano sumagot si Mr. Cai.
Dakong 4:40 p.m. ng September 16, naispatan si Mr. Cai sa departure boarding gate.
“Evidently, Cai did not return to Manila earlier after the incident but never made any contact with aiuthorities regarding his complaint,” ayon sa report.
Tumuloy ang airport authorities sa Boarding Gate 16 saTerminal 1 at nakipag-ugnayan sa isang airline representative upang mag- inquire sa complainant ukol sa pagsasampa ng ciminal case laban sa SSO subalit umayaw na umano si Mr. Cai.
Nakasaad sa findings ng airport authorities na: “the CCTV footage clearly shows that the (suspect) SSO, with intent to gain, took the USD300 of Mr. Cai during her inspection process and was clearly in the possession of the stolen money as she deliberately swallowed the paper bills to avoid getting caught. In addition, supervisor…and x-ray operator… who gave the water bottle …appeared to be in connivance relative to the execution and subesequent evasion on the consequence of herein illegal act of SSO….”