Latest News

Nakangiting pinirmahan ni Mayor Honey Lacuna ang ordinansang nagbibigay ng death benefits para sa mga residente ng Maynila. Kasama niya sa larawan sina With her in photo are (from left) ordinance co-author Councilor Fa Fugoso, principal author Councilor Salvador Philip Lacuna, Secretary to the Mayor Marlon Lacson and Manila department of social welfare head Re Fugoso whose office will chiefly handle the provision of the said benefits. (JERRY S. TAN)

ORDINANSANG NAGBIBIGAY NG DEATH BENEFITS SA MGA TAGA-MAYNILA, NILAGDAAN NI MAYOR HONEY, EPEKTIBO NA NGAYONG ENERO 22, 2024

Nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna ang isang ordinansang nagbibigay ng benepisyo sa mga nasasawing residente ng Maynila, na sinimulang ipatupad nitong Lunes, Enero 22, kung saan personal nang nag-ikot ang alkalde sa mga nakaburol upang ipaalam ang bagong benepisyo.

Ang Ordinance No. 9019, na may pamagat na ‘Unang Abuloy ng Maynila-Death Benefits Ordinance 2023″ ay naglalayong maibsan kahit paano ang bigat ng dinadala ng mga naulilang pamilya sa pamamagitan ng pagpapabilis ng proseso ng death benefits assistance mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Manila City Hall.

Sa paglagda sa ordinansa kasama sina Secretary to the Mayor Marlon Lacson, pinasalamatan ni Mayor Honey ang Manila City Council na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer Yul Servo, gayundin sina majority floorleader Atty. Jhong Isip at Councilor Philip at lahat ng konsehal para sa mabilis na pagpasa ng nasabing ordinance, na nagbibiga ng funeral assistance na di bababa sa P3,000 at Sympathy Card o token na may katumbas na halagang P1,000 para sa qualified beneficiaries.


Ani Mayor Honey, maglalaan ang lungsod ng pondo para sa implementasyon ng nasabing ordinansa sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

Batay sa ordinance na co-authored ng mga konsehal na kinabibilangan ni Councilor Fa Fugoso (3rd district), sinabi ng principal author na si Councilor Philip na ang ‘surviving legal spouse of the deceased ‘ ang siyang pangunahing beneficiary at kung wala nito, ang benepisyo ay mapupunta sa anak, magulang, kapatid, apo, tiyuhun at tiyahin.

Gayunman, dapat mapatunayan na ang namatay ay bonafide na residente ng Maynila at duly registered voter ng Maynila sa oras ng kanyang pagkasawi.

“For deceased minors under 18 years old, the parents should be registered voters and’or residents of the City of Manila,” dagdag ni Councilor Philip.


Ang mga requirements na dapat isumite ng claimantsay ang sumusunod: Duly filled-up Claimants’ Form issued by the Manila Department of Social Welfare (MDSW); Certified true copy of Death Certificate; Duly notarized original copy of funeral contract; Valid government issued identification card of the relative/representative.; Valid government issued identification card of the deceased at Barangay Certificate of Residency ng nasawi.

Sinabi ni Mayor Honey na ang lead department para sa implementasyon ng ordinansa ay ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) na pinamumunuan ni Re Fugoso, na aasistihan naman ng Civil Registry Office of Manila sa ilalim ni Encar Ocampo.

Ang Liga ng mga Barangay sa pamumuno ni Councilor Lei Lacuna at Manila Barangay Bureau ay naatasan namang tumulong sa pagkuha ng pertinent data gaya ng ‘reports of death’ at pamamahagi ng death benefits.

Sinabi ni Councilor Philip na nitong nakalipas na tatlong taon, ang Manila City Civil Registry Office ay nakapagtala ng average na 11,000 Death Certificate applications kada taon, na karamihan ay mula sa bonafide residents ng Maynila.


“To express sympathy and gratitude to its dearly departed constituents, and considering the escalating costs of burial services nowadays, the City Government of Manila recognizes the need to further support its citizens by providing primary financial assistance as well as emotional support to their bereaved families,” dagdag pa ni Konsehal Philip.

Nagsimula nang umikot si Mayor Honey sa mga burol, kasama si Councilor Philip, upang ipaabot ang ukol sa bagong benepisyo, kung saan nagdala din ng bulaklak ang alkalde mula sa personal nitong pondo.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read